Panahon ng tag-init. Ang lahat ay abala sa kani-kanilang pamumuhay sa bukid. May nagdidilig ng kanilang mga halaman, may nagpapakain ng mga alaga nilang hayop. may naglilinis at nagwawalis sa palibot ng kanilang tirahan. Ang bawat tao ay abala sa kanilang mga pamumuhay. Samantalang kasabay ng pag-ihip ng hangin ay ang pagsayaw din ng mga dahon ng nagtatayugang mga puno. sa pagkumpas ng mga dahon ay siyang paghuni naman ng mga ibon. Kani-kaniya ng grupo at bulaklak na masisipsipan ng matamis na katas. Kay gandang mamuhay sa bukid. Tahimik at ang lahat ng tao ay hindi magkakaaway dahil lahat sila ay nagkakaunawaan. Tipid na napangiti ang isang nilalang na taimtim na piangmamasdan ang malawak na paligid. Nakapwesto siya sa kaitaasan ng bundok, nakaupo sa malaking sanga ng puno, ang paborito niyang tambayan. Dahil mula sa lugar na ito ay malaya niyang napapagmasdan ang mundo na ninanais niya. Ang mundo ng mga tao.
7 parts