Book 3 of Pandemia series. Kailangan niyo pong basahin ang PANDEMIA at CONTAGIO para maintindihan ang kuwento. Maraming katanungan ang humihingi ng kasagutan matapos ang mga nakakalagim na pangyayari sa Fumetsu Corporation, sa Salvador at sa mga kalsada ng Kamaynilaan. Maraming buhay ang nawala. Maraming plano ang nasira. Maraming lihim ang nabunyag. Pero hindi pa natatapos dito ang lahat. Simula pa lang ng digmaan. Patuloy pa rin ang Fumetsu Corporation sa kanilang maiitim na balak samantalang ang nakaraan ng iilang kabataan na natira ay nanumbalik upang guluhin lalo ang kanilang buhay. Sa mundong puno ng kapahamakan at kasakiman, magawa pa kaya nilang lagpasan ang mga pagsubok? O ito mismo ang papatay sa kanila?
35 parts