Picky raw sa pagkain ang cannibal na 'to, bakit kaya? Magmula noong kumain siya ng atay ng lasinggero, hindi na siya tumikim pa ng kahit na anong atay. Ganito kaselan ang sikmura ng cannibal na 'to. Kada araw, si Carmine ang supplier niya ng katawan. Naiba nga lang noong isang gabi dahil mismong pagkain na ang mismong kumatok sa pintuan niya. Kaya niya bang makain ang karne ng tao na ito kung alam niya ang iilang istorya ng buhay nito?