The Picky Eater

57 14 13
                                    

A Night in Cannibal's Life
by MedeaHarlow

TW: Cannibalism and su!c!d3

Kring...! Kring...!

Kung hindi lang nag-ingay ang alarm clock na 'yon, makakakain na sana ako ng fried chicken! Pero pagdilat ko ng aking mga mata...

Higit pa sa fiesta ang nasa harapan ko!

Pinunasan ko ang aking baba. May laway. Natatakam akong tingnan ang nakalapag sa sahig. Gusto ko sanang kumurot. Kahit katiting na laman lang sana ang matikman ko.

Kasalukuyan akong nakapailalim sa isang diet dahil noong nakaraan ay nasira ang tiyan ko dahil sa bulok na atay na kinain ko.

"Kung nagising ka dahil sa gutom, ba't hindi ka kumain?" tanong mula sa aking kaliwa. Hindi ko na siya nilingon pa dahil kilala ko na kung sino iyon.

"Diet ako," sagot ko.

"Tsk. 'Yan tatanggihan mo para sa diet?"

Kaagad akong kumuha ng syringe at itinusok iyon sa aking ugat.

"Wala akong sinabi na hindi ako kakain. Ang ibig kong sabihin, nasa intermittent fasting ako. Mamaya pang 10am ang feasting time ko."

"Dami mo namang alam."

"Pero pwede ko naman ipagpabukas ang diet." Humalakhak ako.

Nang mapuno ng dugo ang syringe, ibinigay ko na kaagad kay Carmine, ang babaeng naghahain sa akin ng mga pagkain.

"Ipainom mo iyan sa lola mo. Ayokong malipasan siya."  turan ko. Kinuha niya iyon at itinago sa belt bag niya.

Tinuro ko ang katawang nasa sahig. "Baka bulok na naman ang lamang loob nito, ha?" tanong ko pa.

"Sariwa 'yan. Bagong sagasa lang. Nakita ko pa yan na kumakain ng prutas kaya safe ka d'yan."

Matalim ko siyang tiningnan. Hindi ko makakalimutan ang ilang beses na pagbabalik ko sa banyo dahil sa bulok na atay na 'yon! Lasinggero ba naman ang binigay sa akin!

"Makakaalis ka na." Bilis, Carmine! Gusto ko na lumafang.

Minata muna ako ni Carmine bago niya ako iwan.

Ngayon tuloy nakakulong na naman ako sa... Selda ba?

Hindi.

Ito ay paraiso ko.

Nang manahimik, inumpisahan ko na ang paunti-unting pagkurot sa balat. Medyo makunat nga lang dahil nalipasan na rin ito ng oras. Naupo na rin ako sa sahig dahil ayokong matuluan ng dugo ang kama ko. Tinanggal ko ang punit-punit na damit. Hindi man lang kasi inayos ni Carmine bago dalhin dito. Nang maubos ko ang balat, sinimulan ko na ang pagngatngat sa laman. Mas malambot na ito kumpara sa nauna kong kinain. Likas na mas masarap ang laman ng tao kaysa manok o baboy. Lalo na kung hilaw at malusog pa. Isinunod ko rin kaagad ang mga lamang loob. Inisip ko na lang din na spaghetti ang bituka na ito at may tunog pa habang sinisipsip ito. Ihiniwalay ko naman ang puso at atay.

Magiging dessert ko ang puso samantalang itatapon naman ang atay.

Ayoko na kasing magka-diarrhea.

Pabalik-balik kasi ako sa banyo matapos kong kainin ang isang lasinggero.

Siguro sa sunod, mag-background check muna ako. The healthier, the better.

Ganito ang buhay ng cannibal na katulad ko. Isinumpa ang aking lahi. Magmula kay Erisychthon hanggang sa akin: hindi namin kayang punan ang aming gutom maliban na lang kung karne ng tao ang aming kakainin.

A Night in Cannibal's LIfe | ONE-SHOTWhere stories live. Discover now