Paano kung isang araw magising ka na lang at malaman mo na ang mga taong nakasama at nagpalaki sayo ay hindi mo naman pala kadugo.Ngunit ganon pa man ay itinuring ka pa rin nilang nag-iisang unika hija sa kanilang pamilya.Lahat ng gusto at kailangan mo ay kanilang sinusunod maging ang pagpasok mo sa mamamahaling paaralan.Ngunit, paano kung sa loob ng labing-siyam na taon ay bumalik ang tunay mong ina? Canna Aeris Cordova, 18 years old.Nanggaling sa mayaman at masayang pamilya.Isa siyang maganda at simpleng babae, blonde ang mahahaba niyang buhok, matangos ang ilong at ang kanyang kutis ay malaporselana sa puti, higit sa lahat matapang at matalino siyang bata. Mapapatawad pa kaya niya ang kanyang ina?Sa kabila ng pag-iwan nito sa kanya ng wala man lang dahilan.