CHAPTER 1

12 2 0
                                    

FIRST MEET, FIRST KISS

CANNA POV

"Canna, sinasabi ko sayo 'wag mo ng...." napatigil nalang ang mga kasama ko sa pag-awat ng batuhin ko ng isda ang lalaking bumangga sa akin.Ang shooter ko talaga sapol na sapol sa likod niya ang isda.Sayang ang ganda pa naman ng suot niya, sa tingin ko pa naman branded tapos nag-amoy isda lang.Well, deserve naman niya.Hindi siya marunong humingi ng tawad nabasag na nga ang  itlog na dala ko.

"Takbo!!!" sigaw sa mga kasama ko, bigla kase itong tumingin sa direksyon namin.Yung mukha niya galit na galit na medyo nandidiri na.May mga kasama rin siyang tatlo pang lalaki sa tingin ko mga kaibigan niya yun.Pinagtatawanan siya ng mga ito habang kami tumakbo hanggang di na  namin sila makita.Hingal na hingal kaming napatigil sa aming sasakyan, nakita ko pa na namumula na ang mukha ng mga kasama ko.Sa layo ba naman ng tinakbo.

"Tanginamo, Canna!!Balak mo ba kaming patayin?" pagrereklamo sa akin ni Xyreen.Inirapan ko nalang ito at tsaka ngumisi ng pagkalakilaki."Nakita niyo yung mukha kanina?" bigla kong tanong sa kanilang apat."Oo, sis sobrang pogi niya." agad na sagot ni Rydan.Bigla naman siyang binatukan ni Arella dahil sa kalandian na naman ng bakla kong kaibigan."Hindi yun ang ibig sabihin ko, yung mukha niya kaya kanina parang yung isda na binato ko."muli kong sagot.Nagtawanan naman ang mga ito maliban kay Azalea.

"Bakit naman napakatahimik mo dyan, Azalea?"tanong ni Rydan.Napansin ko na pinagpapawisan ito."teh, anyare sayo?"sunod-sunod na tanong namin."ano yung mabaho?"singit naman ni Xyreen."yung isda ba yun or may umutot?"reklamo ni Arella."bakit ba kase tayo tumakbo, kanina pa 'ko nagpipigil e."saad ni Azalea."jusko, dzai umuwe na tayo baka dito ka pa magkalat. kaloka!!."sabay sabay naming sagot.Kaya pala may naaamoy akong amoy bulok, utot lang pala ni Azalea.Grabe naman 'tong babae na ito parang isang linggong di dumumi.Yung utot nanununtok.

"Matapos ang mga kalokohan naming ginawa kanya-kanya na kaming nagsiuwian."Nakakapagod din palang mamalengke pero masaya.Sa susunod ako na magpepresenta kay mama na ako nalang ang mamalengke tuwing sabado.Tapos isasama ko yung apat kong bruhang kaibigan.Matapos tumulala agad na rin akong natulog, magsisimba pa pala bukas.

Naanlipungatan naman ako ng tumama sa mukha ko ang sinag ng araw umaga na pala.Agad ko ng inimis ang pinaghigaan at dumiretso sa cr para maghilamos, pagkatapos ay lumabas na rin ng kwarto para makapag-almusal.

"Good morning, mama at papa!!" masayang bati ko sa kanila.Mukhang tanghali ako nagising kase sina mama bihis na bihis tapos nagmamadali pa."Sorry, baby di muna kami makakasama ng papa mo sa pagsimba may emergency kase e."malungkot na sagot ni mama.Maybe, next Sunday anak.Pero pwede ka naman magpasama sa mga kaibigan mo.Ipapahatid ko kayo kay manong Philip."singit pa ni papa.

Running After You (ongoing)Where stories live. Discover now