The Haciendas #1 | Second Generation Sikaryo and Felicia's story has always been hidden in the dark. Mahal nila ang isa't isa pero hindi p'wede sapagkat langit si Felicia habang lupa si Sikaryo, kaya ang relasyong iyon ay nanatiling lihim sa tingin ng mga trabahador ng Hacienda Polenzo. Gayunpaman, walang nakaliligtas sa mapagmatiyag na mata ni Don Felix Montero, ang ama ni Felicia. Nakatakdang ipakasal si Felicia sa isang lalaki na hindi naman niya kilala. Handa naman siyang ipaglaban ang namamagitan sa kanila ni Sikaryo pero huli na ang lahat. Paano pa nga ba kung ang istoryang iyon ay unti-unti nang napapalitan ng panibago? Si Felicia pa rin, ngunit hindi na si Sikaryo.