Everyone thought that it was so hard to forget, but Samira, an Engineering student, believes that it's even harder to find something new. Sabi nila ang hirap kumalimot lalo na't minahal mo nang sobra pa sa sobra, pero si Samira, hindi siya naniniwala riyan, dahil pinaninindigan niyang mas mahirap humanap at kumilala ng bago. Bata pa lang siya nang iwan siya ng taong dapat at unang susuporta o mananatili sa tabi niya, kaya ipinangako niya sa sarili na ang mamahalin niya ay hindi kailanman magiging katulad ng kaniyang ama, na mas pipiliin niyang kumilala ng bago kesa balikan ang nakaraan hindi gaya ng ina niyang umasa pa sa relasyon nila ng ama. Hanggang sa magkatagpo ulit sila ni Cedric, a law student na crush na crush niya no'ng highschool. Totoo nga ang tadhana, 'no?