PROLOGUE

4 0 0
                                    

Everyone thinks that they know us, but they don’t know nothing about ..

001.

“Putangina naman, Carol!” sigaw ni Papa kay Mama habang nakahawak sa sintido

Rinig ko ang pagsisigawan nila mula rito sa taas, hindi ko alam ang nangyayari, hindi ko alam ang gagawin, hindi ko alam kung may dapat bang gawin.

Malalakas ang hikbi ni Mama, kita ko rin ang pagtulo ng luha niya rito mula sa hagdan pababa sa sala, “W-wala na tayong magagawa, Raymond. Patay na, wala na ang anak natin!” hagulgol ni Mama

Ha? Sinong namatay? Buhay pa naman ako, ah?

Sumimple ako sa pagbaba ng hagdan habang hawak ng limang taong gulang kong kamay ang paborito kong laruan

Tinapon ni papa ang baso na nasa lamesa papunta sa sahig, “Anong wala na tayong magagawa?! Naririnig mo ba ang pinagsasabi mo? S-siyam na buwan nating i-inalagaan ang anak ko sa sinapupunan mo, tapos mawawala lang dahil .. dahil sa letseng anak mo na yan?!” mahabang sabi ni Papa

Oo nga pala, buntis nga pala si Mama at malapit nang lumabas ang kapatid ko!

Tumayo si Mama, “Anong gusto mong gawin ko? Patayin din ang anak ko?!” galit na sagot ni Mama

Kahit wala akong maintindihan ay parang naiiyak na ako, parang may kasalanan akong nagawa

Diretso na ang pagbaba ko sa hagdan papunta kina Papa, “M-ma?” sabi ko sa maliit na boses

Parehas silang lumingon sa akin, lumingon sa akin si Mama na parang naawa habang si Papa, galit na galit ang mata, “Maghiwalay na tayo.” madiing sabi ni Papa

H-ha? Bakit maghihiwalay? Aalis ba ulit si Papa papuntang Japan? Sama kaya ako?

Tumakbo ako kay Papa at yumakap sa hita niya, “Sama ako, Pa!” excited na sabi ko

Akala ko ay bubuhatin niya ako sa kaniyang mga kamay pero mali ako, tinulak niya ako papunta sa bubog ng baso na nabasag .. ang sakit sakit, hindi dahil sa dugong umaapaw dahil sa sugat na natamo ko, kundi sa patuloy na pag alis ni Papa na hindi manlang ako nilingon nang masugatan ako

Kaya dahil do’n, ipinangako ko sa sariling kakalimutan ang lahat at hindi na muling babalikan, at ang mamahalin ko sa hinaharap ay kailanmang hindi magiging katulad niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Swell The Aria | CS01Where stories live. Discover now