Isa lang ang pakiusap ng Daddy ni Ella- ang mapakinggan ang kuwentong isinulat ni Ella tungkol sa Tanamakya. Tuwing hatinggabi, kapag tahimik na ang mundo, at natapos na ang mga karuma-dumal ng proseso ng paggagamot sa sakit ng kanyang ama, papasok si Ella sa kuwarto nito. Doon niya sisimulan ang pagkukuwento tungkol sa Tanamakya- ang kahindik-hindik na halimaw na kalaban ng bida sa storya. Pursigido si Ella na pahabain ang kanyang kuwento- mga kuwentong sa tingin niya ay siyang nagpapahaba ng oras ng kanyang ama. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, hindi kathang isip ang Tanamakya. Tunay ang halimaw, at naghihintay lamang itong matapos ang kuwento ni Ella bago kunin sa kanya ang pinakamahalagang bagay. ©2024 by Joey Ocampo. NOTE: Doing my thesis and my internship this semester so expect slow updates.