'Sa tuwing naiisip kita at gustong makita, palagi kong isinusulat sa aking notebook lahat ng aking gustong sabihin sa iyo, lahat ng naiisip at nararamdaman ko. Idinadaan ko na lamang sa panulat lahat nang hindi kayang sabihin ng bibig ko na sana nga ay maparating ko sa iyo sa kabila ng ating magkasalungat na mundo.' Si Victoria Clemente ay ang nag-iisang unica-hija ng mag-asawang Honorina at Rufino Clemente. Isa ang kaniyang pamilya sa nagmamay-ari ng naglalakihang mga lupain sa lalawigan ng Quizan. Sila ay tinitingala, iginagalang at hinahangaan ng mga tao sa Quizan o kilala bilang Quizañians. Palaging paalala sa kaniya ng kaniyang ama na isa siya sa mangangalaga at magmamana ng halos tinatayang nasa dalawang libong hektaryang lupain na pagmamay-ari ng buong pamilyang Clemente at Ocampo. Kaya kinakailangan niya ang maging matalino sa pagpili ng taong mamahalin. Ngunit paano kung ang taong nagugustuhan niya ay ang taong salungat sa buhay na mayroon siya? Hindi sila pareho. Malaki ang agawat ng kanilang mga mundo. Paano kung ang taong gustong gusto mong makasama nang panghabang buhay ay ang taong pinagbabawal na mahalin at angkinin? Si Elyon Bathan, isang taong nais niyang palaging makasama. Mali nga lang ba ang panahon para sa kanila? O baka. . . hindi lang talaga sila ang itinakda para sa isa't isa? Mali ba'ng magmahal ng taong may ibang mundo? Napakalapit mo ngunit parang ang layo. Date Started : April 01, 2024