Sa buhay ay minsan tayong nakakagawa ng mga desisyon na hindi natin lubos na pinag-iisipan. Kung ito ba ay tama o hindi. Dumarating rin sa punto na nakakapagpasya tayo ng mga bagay na hindi natin alam kung ito ba ay nakakabuti. Kapalaran. Para sa iyo, ano nga ba ang kapalaran? Naniniwala ka bang ito ay nakaguhit na o tayo pa rin mismo ang pipili kung ano ang landas na ating tatahakin? At kung ikaw ang tatanungin ko, isa bang malaking kahangalan na maniwala tayo sa isang kapalaran base sa kung anong sinabi ng ibang tao? Kung totoo man o hindi. Nararapat lang ba na iaasa natin ang kapalaran sa kung anong nakaguhit sa ating palad? Kaya bang palitan ng likhang kapalaran sa tunay na nakatadhana? It's the story of a woman and her friend who pretend to be fortune tellers to predict someone's soulmate just to earn money for their college degree.
11 parts