Huli nang mapagtanto ko ang importansya ng aking paningin, nakamulat o nakapikit naman kasi ako ay pareho lang din. Ngunit ng masilayan ang isa sa dahilan para manatiling maliwanag ang kapaligiran, hindi inaasahang ang pagbabago ay naging mabilisan. Ang nagmulat sakin sa realidad na hindi magandang sa imahinasyon na lamang makita, sa panaginip masulyapan, bagkus sa liwanag ng katotohanang nakikita ko ang aking pangarap ng harapan.