Tumutunog na ang hurno at pumipito na ang tren senyales nang paalis na ito. Si Krista naman ay tila nahihirapan iimpake ang kanyang mga gamit, bumubigat kasi ito kung hindi nman niya kailangan. Tila naman alam ng Driver na si Irha ang pagdating ni Krista sinalubong siya nito at tila naawa sa pasan nitong napakaraming bagahe. Krista nandyan kana pala. Ilagay monayang bagahe mo sa ilalim ng upuan. Ayan sa likod mayron diyang pangalan mo. Pinagmamasdan naman ni Krista ang tren at nagtataka sa itsura nito napakakitid nito pero nagkakasya ang bawat pumapasok. Tila din hindi nagsisiksikan ang tao sa loob, gayong sa labas ay tila makitid ito at nakakasawang pasukin. Ayaw din namang bumyahe dito ng marami gayong wala namang bayad ito, ngunit parang nakikita na niya ang dahilan, nakikita niya kasi na bawat nasa loob ay iniwan na ang dating buhay at tahimik ng nagpapahinga sa bawat bangko. hindi na nito naiwasang magtanong, Adhir, bakit po ang bawat sulok nito ay tila mapula ngunit pagtinignan ng mabuti ay nagiging puti, at pagkatapos narinig ko sa bayan ng ligaya na ikaw daw ang gumawa ng tren na ito.
3 parts