Nang maramdaman ni Lisa na nahuhulog na ang loob niya kay Limuel ay ginawa niya ang lahat para mapaibig niya ito.Sa tulong ng isang kaibigan,sumailalim siya sa total makeover. Binago niya ang hairstyle at ang pananamit niya ayon sa panlasa ni Limuel.Pagkatapos ay nalaman niyang may girlfriend na pala ito. Hindi pa rin siya sumuko. Gumawa siya ng mga paraan para mabaling ang pagtingin ng binata sa kanya.Pero habang lalo siyang nai-in love dito,lalo ring nagiging maganda ang relasyon nito sa nobya nito. Noon na siya nagpasyang lumayo rito. Baka sakaling sa pagkawala niya ay ma-realize nitong siya pala talaga ang mahal nito.