CHAPTER ONE

310 4 0
                                    


ILANG linggo nang kilala ni Lisa si Limuel pero noon lang niya napansin ang kakisigan nito.Dahil kaya nagsisimula na siyang ma-high sa iniinom niya? Hindi naman siguro. Noon pa man ay kapansin-pansin na ang kaguwapuhan nito. Nang mga sandaling iyon lang niya iyon napag-ukulan ng sapat na atensiyon.

He was twenty-nine years old. But he didn't look his age.Maraming nagkakamali sa pagsasabi ng tamang edad nito. Mukha kasing nasa early twenties pa lang ito.Baby face kasi ito. At parang ang sarap kurutin ng magkabilang pisngi nito.

He had a pair of attractive eyes.Kapag tumitig sa mga mata nito ang isang babae,siguradong mapapaibig dito. Katamtaman lang ang tangos ng ilong nito.Mapupula ang maninipis na labi nito. Maraming babae ang tiyak na nangangarap na matikman ang mga labing iyon.Mahusay ring manamit ito. Bagay rito ang ano mang klase ng damit-panlalaki.At that moment,he was wearing a long-sleeved checkered sky-blue polo,a pair of dark brown baggy pants and dark brown Ferragamo shoes. Nabanggit sa kanya ni Gwendy na Ferragamo ang favorite brand nito ng sapatos.

“Lisa!”

Napapitlag siya pagkarinig sa boses ng kaibigan niya. Noon lang niya napansin ito.“Oh,hi,Gwendy!”

Nabasa yata nito ang nasa isip niya.“Nakakaistorbo ba ako sa 'yo?”

Umiling siya.“Hindi,” sagot niya.“Paano ka naman makakaistorbo sa akin? I'm only standing here and holding this wineglass.”

“Nakakaistorbo ako sa pagkakatitig mo kay Kuya Limuel.”
Nagulat siya.“Ha?”

Ngumiti ito. “Don't even think of denying it, Lisa.Humahaba ang ilong ng taong sinungaling. Actually,kanina pa kita pinagmamasdan. Thirty minutes ka nang nakatayo lang diyan habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw ni Kuya Limuel.”

“Napapansin mo talaga 'yon?”

Tumingin din ito sa kinaroroonan ni Limuel. He was talking to some of his colleagues. “Kunsabagay, good-looking naman talaga si Kuya Limuel,"sabi ito.

Uminom muna siya ng alak. “Hindi naman niya ako mata-type-an.”

“Bakit mo naman nasabi yon?”

“Because I'm not that pretty.”

“Do you thnk I'm pretty?”

Tumango siya.“Yes,”walang pag-aalinlangang sagot niya. "Kayanga maraming lalaki ang nagkakagusto sa yo. Pero sorry na lang ang iba riyan dahil may boyfriend ka na.”

“Birds of the same feather flock together,Lisa. If you think I'm pretty, you should also believe you are pretty.”

“Sige na nga,”sang-ayon na lang niya kahit hindi siya kontento sa paliwanag nito.

Nang gabing iyon ay nasa isang party sila na ginaganap sa bahay ng mga Villar. One week after Mavrick was discharged from the hospital;his parents threw a big party for him. Pangalawang buhay na raw iyon ni Mavrick pagkatapos itong barilin ni Ramen,ang dating makulit at masugid na manliligaw ni Gwendy na ngayon ay nakabilanggo na.

Natapos na ang thank-you speech ng bawat miyembro ng pamilya Villar Hinggil sa pagkakaligtas ni Mavrick sa tiyak na kamatayan. Isang Britney Spears Song ang pinatutugtog ng party DJ. Nakatingin siya sa maraming parehang nasa dance floor. Ine-enjoy talaga ng mga ito ang gabing iyon.

Nag-e-enjoy rin naman siya. Pero higit pa sana roon ang mararamdaman niya kung hindi siya basta nakatanaw lang kay Limuel.Sana ay lapitan at kausapin man lang siya nito. O kaya ay hatakin siya nito sa dance floor. Kahit hindi siya marunong sa mga modern dances,pipilitin niyang magsayaw.

My Loneliness is killing me. I must confess I still believe. When I'm not with you I lose my mind.Give me a sign. Hit me, baby, one more time…

“And I think you still have space for personality improvement. Mas magiging pretty ka pa,” sabi ni Gwendy. “If You Just let yourself have a little makeover."

Madly In Love With You | By: Adelle BareraWhere stories live. Discover now