Naisip ni Dawn na umuwi nalang muna sa Cuyo Palawan habang wala pa syang nahahanap na bagong trabaho. Nagdeclare kase ng Bankruptcy ang kompanyang pinatatrabahuhan. Magandang chance narin yun para makapagbakasyon. Matagal-tagal narin mula ng huli syang umuwi ng Palawan at sobrang namimiss nya na ang lugar at ang kanyang mga magulang. Ngunit ang pagbalik nya pala sa lugar na yon ay isang malaking pagkakamali.