Normal lang naman ang buhay ko eh. Well, maliban siguro sa ate kong abnormal. (Oy, peace ate. Wag mo akong tignan ng ganyan.) Isa lang akong ordinaryong binata. Araw-araw gumigising. Kumakain tatlong beses sa isang araw. Nagkaka-crush paminsan-minsan. Pumapasok sa paaralan at err, sige binabawi ko na ang sinabi ko kanina, medyo. Tama, medyo may pagka-abnormal ang buhay ko pero mas abnormal pa rin ang aking ate. (Aray! Bakit ka ba nangahahagis ng unan! Sakit niyan ah!) Ayon na nga, araw-araw akong pumapasok sa paaralan (Yes, di pa ako nakaka-absent) at araw-araw din akong binu-bully dahil isa DAW akong NERD! Naka-salamin lang sa mata, nerd na agad! Seriously? Mapalalaki o mapababae, mapabakla o mapatomboy man, (Kung meron mang tomboy o baklang nerd) basta nerd! Laging inaapi, laging binubully, laging inaaway. Ano ba talagang meron sa mga nerd? Nananahimik lang naman sila ah at di nila kayo inaano. Bakit ganyan kayo samin? (Nerd na nga lang ako!) Sige, tama na ang pagsisitimyento at ituloy na ang kwento. Oh, yun na nga, medyo abnormal ang buhay ko kasama ang abnormal kong ate. Pero naging abnormal na talaga simula nung nahulog sa kung saan ang librong yun. (Grr. Ang librong yun, tinamaan ako sa ulo.) Ako si Juan dela Cruz. (Di, joke lang!) Eto na. Ako si Darna. (Di, joke lang ulit!) Eto na talaga. Ako si Levy Orson. Ako lang ang nag-iisang nerd na makikita mong nakikipagbakbakan. At ako ay myembro ng, The Bookworms.
8 parts