Ang Babaeng Naka-Hood

249 15 5
                                    

Nilalapit na niya ang kanyang kamay sa dibdib ko kaya, agad agad akong nagpumiglas at nagsisigaw.

Pilit akong kumawala sa pagkakapulupot ni baklang cosplayer pero mas hinigpitan niya lang ang pagkakapulupot ng mga paa niya sa akin.

Teka, joke pa ba to? Mukhang totohanan na eh.

Nasa dibdib ko na ngayon ang matulis kamay ni bakla, sige, bakla na lang ang itatawag ko sa kanya.

Napatingin ako sa kanyang kamay at nakita kong hawak-hawak niya ang kwentas ko, handa na siyang hablutin ito.

"Ang Banal na Krussssss." sabi niya. Puno ang kanyang mga mata ng galit habang nakatingin sa aking kwentas

"Wag mong hawakan yan! H-hoy! Lagot ka talaga!" pero di niya ako pinansin, nakatingin pa rin siya sa kwentas ko

Ngumisi siya at nakita ko ang mga matutulis niyang ngipin. As in, parang lagare ito at animo paulit-ulit na hinasa sa tulis. Kumikinang ito sa liwanag ng street light.

Sige, siya na. Siya na ang susunod na endorser ng Close Up.

Naramdaman kong pagkapigtas ng kwentas sa aking leeg, kinuha na ito ni bakla.

Ibinaling niya ang tingin sa akin.

"Papatayin na kita bata. Isa kang malaking hadlang sa pagbangon ng Panginoon!" nagulumihan na ako sa pinagsasabi ng isang to pero di ko na pinansin dahil mas importante ang kwentas ko ngayon

Pinihit niya ako papalapit sa kanya sabay sa mas lalong paghigpit ng kanyang pagkapulupot sa aking katawan. Nahihirapan na akong huminga at feeling ko mapipisa na ako ano mang oras.

Alam kong bakas sa mukha ko ang paghihirap dahil ngumisi si bakla, yung ngising pang-Close Up niya.

Itinaas niya ang kanyang kamay na may matutulis na kuko, mas matulis pa ata to sa ngipin niya eh.

Dalawang bagay lang ang napagtanto ko sa mga sandaling ito;

Una. Ang nangyayari sa'kin ay totohanan na. May nangyayaring kakaiba. Something fishy and genamos.

Pangalawa. Ang bak-- babaeng nasa harapan, o kung ano man siya, ay di pangkaraniwang nilalang.

Teka. May humabol pa pala.

Pangatlo. Siguradong sigurado. 101% confired,

Lagot. Ako. Ngaaaayon!

"Katapussssssan mo na! SHHHHHHHH!"

Inihampas na niya ang kamay niya direkta sa aking puso. Wala na akong nagawa kundi ang pumikit at hintayin ang aking kamatayan mula sa baklang to.

"AHHHHHHHHHH!"

Ngunit kakapikit ko pa lang ay napadilat akong muli ng marinig kong humiyaw si bakla, sa sakit.

Nakita kong may nakabaon na punyal sa kanyang kamay, may umaagos ang berdeng dugo dito. Lumuwag ang pagkakapulupot niya sa'king katawan at nahulog ni bakla ang kwentas ko sa semento. Mukhang nakalimutan na niya ang tungkol dito dahil abala siyang hugutin ang punyal na tumagos sa kanyang palad.

"AHHHHHHHHHH!" sigaw niya habang tinatanggal ang punyang sa kanyang kamay. Patuloy pa rin ang pagtulo ng kulay berde na dugo mula rito

'Sa kaya nanggaling ang punyal?' tanong ko sa aking isipan pero agad din itong nasagot ng may marinig kaming boses mula sa dilim, sa gilid lang ni bakla. Boses ng isang babae.

"Huy, panget na babaeng uod! Bitiwan mo siya kundi gagawin kitang pain sa pamingwit ko at dun tayo mangingisda sa Ilog Pasig!"

Napataas ang kilay ko sa sinabi ng babae pero sinamantala ko na ang pagkakataon na kumawala kay bakla habang nakatuon ang pansin niya sa boses sa dilim.

The BookwormsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz