Para kay Peace, iba ang chismosa sa reporter. Ang reporter, nagta-trabaho para may ipahayag sa buong bansa. Ang chismosa, kahit na wala kang ginagawa, pinag-uusapan ka. Pero tila ba nawala sa kanya ang kaibahan ng dalawang salitang iyan nang mautusan siyang kumalkal ng impormasyon tungkol sa artistang mainit ang pangalan sa mga taong bayan. She loves her job and she's willing to do anything for it. Masasabi ba niyang, "trabaho lang" kapag nalaman na niya ang buong katotohanan? Trabaho o puso? Ano ba ang mas matimbag?