Masaya sigurong makasal sa simbahan garden or beach no? yung tipong maraming bisita, mag pa-promise kayo sa harapan ng diyos. Yung pagkatapos sa simbahan kainan na. At yung tipong may honeymoon. Ako kasal na din ako e. Pero anong akala niyo? Bongga yung kasal? Haha. Mas maganda pa yung imagination ko kesa sa reality. Sabi nila Masaya pag nagpakasal. Pero para sakin? Hindi. Mahal ko siya. May mahal siyang iba. Yung mahal niya mahal siya. Parang ako pa yung nagiging kontrabida e. kahit mahal ko siya, ayoko ng desisyon ng magulang naming para saming dalawa. OO. Desisyon nila. Mahal ko ang magulang ko. Wala akong galit sa kanila, kahit na nasasaktan ako ng patago. Ang saya magmahal. Pero mahirap din lalo na sa kapag nandito kayo sa sitwasyon ko. Nagawa ko na ang lahat mahalin niya lang ako. Wala pa ring talab. Susuko na ba ako? Kasi mukang wala na rin naman akong ipaglalaban. ~Mackenzie Kaylee Yuan-Smith