Nasaan na nga ba ang pinakamamahal kong babae? Nakapaglayag na ba siya sa buwan at binabalak nang bumalik? Mag-ingat ka aking mahal at sana'y hindi ka magbago. Alam kong darating ang panahon na babalik ka't sabay tayong sasayaw sa ilalim ng mga bituin.