Paasa. Sila yung mga taong ang sweet pero wala lang sa kanila yon. Kumbaga ginagawa nila sa lahat yung mga kasweetan na pinapakita nila. Yung tipong hindi naman talaga sila nagsasabi ng sweet words tulad ng play boys pero yung acts nila ang nakakapag paasa. May nakilala ka na bang ganyan? Umaasa. Sila naman yung mga taong nagpapakatanga. Yung kahit alam nilang wala naman talaga nahuhulog parin sila. Yung tipong halata na, na umaasa lang siya naghohold parin siya sa katiting na chance. Yung tipong pasuko na pero sa simpleng act of sweetness ng tao, nawawala lahat ng iniisip niya at sasabak nanaman, aasa nanaman. Sila din yung tipong hindi pinaKpansin yung nakapaligid sa kanila, yung mga taong nagmamahal talaga sa kanila. So? Alin ka sa dalawa? Paasa? Umaasa? O parehas? Nuguguluhan ka na ba?