Babaeng papayag maging rebound/panakip butas para lang sa taong mahal niya. Na kahit na nasasaktan na hindi mapapagod damayan ang lalaking mahal niya. Wala eh mahal niya kasi. Sa sobrang katangahan nga niya kahit sarili niyang kaligayahan itinaya niya sa one sided love na pinasok niya. Sa sobrang kagagahan pa niya gabi-gabi siyang bubulong sa makinang na bituwin sa langit. "Sana masaya na siya." Lagi na lang ba siyang hihiling para sa ibang tao? Para sa kaligayahan ng iba? Eh paano naman ang sarili niyang kaligayahan? Ako si Chesca Perez at ito ang aking hiling. ©All rights reserved 2016