QUESTION, Panu nga ba magmahal ng di sobra? Lagi na lang nilang sinasabi na pagnagmahal ka wag sobra mas lalong wag kulang. Pero panu nga ba malalaman na ang pagmamahal mu sa isang tao ay kulang o sumosobra na? Katulad ba to ng alarm clock na kapag dumating sa tamang oras na nkaset ay bigla na lang may tutunog or magsasabi sayo na tama na? o Katulad lang ng cellphone na kapag nawalan kana nang load ay may magmemessage sayo at mag-iinform na wala ka nang load?Panu nga ba malalaman kung ito'y tama na o kulang pa? Sa panahon ngayon,masasabi mu bang tama o mali ang ginagawa mu pagdating sa pagibig? malalaman mu bang sobra na o kulang pa ang pgmamahal mo sa isang tao?? Sa mundong ginagalawan mu lahat nagbago na,lahat ay base sa teknolohiya,Sana may bagay na naimbento na makakapagsabi na lahat nang ginagawa mu sa larangan ng pagibig ay sobra na o kulang pa. Di sana ,walang naghihiwalay,walang nasisira na pamilya,sana lhat masaya...Ako nga pala si sam, at ito ang kwento ng buhay pag-ibig ko....