Sa mundong ating ginagalawan ay maraming elemento. Yung masasama at mabubuting elemento. Ang elemento ng apoy, tubig, hangin, lupa at liwanag ay nabibilang sa mabubuting elemento na siyang ginagamit ng mga Sorcerers at Sorceress. At ang nag-iisa ngunit malakas na elemento ng kasamaan ay ang anino. Kadiliman. Ang elementong ginagamit ng mga Witches. Ako si Luxanna. Ang nag-iisang sorceress na nagtataglay ng elemento ng liwanag.