Story cover for Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka by KenTheLion
Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka
  • WpView
    Reads 221,845
  • WpVote
    Votes 10,423
  • WpPart
    Parts 42
  • WpView
    Reads 221,845
  • WpVote
    Votes 10,423
  • WpPart
    Parts 42
Complete, First published Feb 17, 2017
Nayanig ang mundo ni Crisostomo aka Soso Toto Momo nang isang maalinsangang katanghalia'y utusan siya ng kanyang ama na bumili ng suka sa tindahan para sa niluluto nitong paksiw. Sa kalagitnaan ng paglalakad pabalik ng kanilang tahanan, habang nagbibilang ng sukli, nilapitan siya ng tatlong maskuladong kalalakihan at pwersahang ipinasok sa van. Binitbit siya ng mga ito sa mansyon ng mga Torente, kung saan siya napilitang makipaglaro kay Blaise (na may saltik) sa pag-aakalang kapag ginawa niya ito'y makakalaya na siya't makakabalik sa normal na buhay. Ginalingan niya pa man din. Sa kasamaang palad, pinalala lamang nito ang kanyang sitwasyon. Sa sukdulang galak ng mga magulang ni Blaise sa kanyang naging pagganap ay hindi na siya pinakawalan ng mga ito, para hindi na mawalan pa ng kalaro ang kanilang anak, para lagi itong masaya.
  
  Hindi sana magiging impyerno para kay Soso ang pagtira sa mansyon kung nanatili lang ang ugali ni Blaise noong una nilang paglalaro. Kaya lang, sa paglipas ng mga araw ay unti-unting lumabas ang sungay nito't hindi na laruan ang nilalaro, kundi mismong ang kanya nang kalaro.
  
  Ang tanong, mangyayari ba ang lahat ng ito kung hindi siya inutusan ng kanyang ama na bumili ng suka?
  
  At ang mas malaking tanong, kamusta na kaya ang paksiw na niluluto ng kanyang ama gayong hindi na ito nalagyan pa ng karagdagang suka?
  
  ****
All Rights Reserved
Sign up to add Inutusan Ako ni Dad Bumili ng Suka to your library and receive updates
or
#430bromance
Content Guidelines
You may also like
Half a Heart ☑️ by Cziant
30 parts Complete
(COMPLETED) Matapos na mawala ang kanyang ina, wala nang natira kay Caspian Rufus Torres maliban sa kanyang bahay-ang huling regalo ng kanyang ina sa kanya. Ilang taon na ang lumipas, ngunit hindi na siya nakakita pa ng rason upang manatili roon dahil ang kanyang tita, ang huli at katangi-tanging kapamilya na kilala niya, ay nagbago ang pakikitungo sa kanya. Pagkaraang maglayas nang walang kasiguraduhan sa patutunguhan ay nakilala at tinulungan niya-mula sa mga taong nagbabanta ng buhay nito-ang pinakasikat na Doktor ng kanilang probinsiya: Doctor Andrey Seavey. Umalok ito ng scholarship at ng dormitoryong matitirhan-bagay na hindi niya tinanggihan dahil wala na siyang ibang choice. Akala niya ay sinuwerte na siya. Ang tanging humahadlang lang sa kasiyahan ni Caspian ay ang anak ni Doctor Seavey at ang magiging dorm mate niya-walang iba kundi si Othello Mateo Seavey. Ngayon, naiwan si Caspian sa dalawang desisyon: ang magpatuloy sa paninirahan doon sa dormitoryo habang sinusubukan naman ni Othello na paalisin siya, o umalis at magpalaboy nalang sa daan. Ang pangalawang nabanggit ay halatang hindi magandang desisyon. ~~~ Disclaimer: As someone who believes that love is universally shared, this is my attempt to write modern world's narratives and realities-which features same-sex relationship and actions. Kung hindi ka fan ng genre na 'yan, I'd love to respect that. However, kung wala ka namang magandang masasabi, then you have all the freedom in the world to skip this. Thank you!✨
You may also like
Slide 1 of 8
KUNG AKO NALANG SANA (Season 1) cover
Mr. Antipatiko (BXB) COMPLETED cover
U and I cover
The Closet Gay (A CHINITO Book Four) cover
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED! cover
In Secrets (Montalban Gray - Cervantez Clash) cover
Half a Heart ☑️ cover
My Lustful Story (boyxboy) cover

KUNG AKO NALANG SANA (Season 1)

77 parts Complete

Hindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay mas lalo syang nahulog sa BESTFRIEND nya pero pinigila nya ito dahil ayaw nyang masira ang pagkakaibigan nila. Isang araw nagpatulong si Mark kay Dex para mapasagot ang nililigawan nya at dahil nga sa hindi nya mahindian ang kaibigan ay tinulungan nya ito kahit pa ang kapalit nito ay masasaktan sya. At para maka move on ay nagdesisyon syang lumipat ng ibang school at tumira sa kanyang tita. Akala ni Dex ay magiging okay na ang lahat pero di nya alam ay doon palang mag-uumpisa ang nakakabaliw nyang kwento. Dahil nakilala nya ang DRAGON nyang pinsan na si Nathan na walang ibang ginawa kundi ang asarin at bwisitan sya. Magawa pa kaya nyang masabi sa BESTFRIEND nya ang nararamdaman nya? Oh may panibagong tao ang magpapatibok ng puso nya .