BlueKookie147

Hindi ako peym, uy xD HAHA! 

BlueKookie147

Part 2...
          
          Kaso...May napansin ako. Bakit feeling ko iisa lang kayo nung Jungkook RP na besfriend ko tsaka nung Jungkook RP na bestfriend ng kaibigan ko.
          
          Feeling ko lang naman.
          
          Kasi unang una parehas kayo ng DP. Kulay lang pinagkaiba.
          Pangalawa parehas kayo ng Attitude.
          Pangatlo di ka na nago-on simula nung nakilala ng Kaibigan ko si Kalog na Jungkook RP din.
          Pangapat chinat mo ako kagabi, ang cold mo. Tss. Nawalan ka na ng gana kausapin ako. Tapos dati niloloko kita na magde-deactivate ako. Ayaw mo. Kinukulit mo ako na wag. Kahit pa sabihin kong babalik ako ayaw mo talaga. Ngayon, sabi ko magde-deactivate ako. Sobra akong nasaktan sa sinabi mo...
          
          "Edi Mag-deact ka."
          
          Yun lang. Pero nakipag usap parin ako kahit ang cold mo. Tapos sabi ko wag mo nang ituloy yung ligaw na yun tapos sabi mo...
          
          "HAHAHAHA sige."
          
          Tapos sineen na kita. Dati kapag sineen kita kukulitin  mo pa ako. Sasabihin mo "La?! Seen." "Hala sige." Tapos ngayon, wala. Di mo na ako kinulit. So paanong di ako magtataka. -,- 
          
          Ang tagal mo pa magreply nun. Tapos nalaman ko magka-chat pala kasi kayo nung kaibigan ko sa isa mong acct. 
          
          Di na ako nag-dalawang isip mag-deact. 
          Ano pa bang sense nag pag-FB ko kung wala ka nang ganang kausapin ako. Masakit pa lalo kasi kaibigan ko pa diba? hahaha. Di man ako sure na ikaw ba talaga yun, pero, hahaha, halata naman kasi ee. 
          
          Habang tinatype ko nga toh bigla nalang akong naluha. Masakit kasi. I don't know you personally pero..ewan ko ba. Bakit ba ako nagkaganto? Sabagay. Nasanay na kasi akong Ikaw lang ang nakakausap ko ng ganun. Nasanay akong nagaasaran tayo. Nasanay akong ikaw lang ang tinatawag kong Panget. Nasanay akong nandyan ka lagi. Yung tipong parang tayo pero hindi. Kaso, nawala nalang bigla na parang bigla yung mga moments na yun. Masakit, oo, pero dahil diyan ka masaya, magiging masaya din ako para sayo. 

BlueKookie147

Part 1..
          
          Yung akala mo siya na, hindi pa pala.
          
          Akala mo seryoso siya, hindi pala.
          
          Akala mo si past besfriend mo parin yung mahal mo....Si present na pala.
          
          Ang laki ng pinag-bago mo. Nakakainis ka. Namimiss ko na yung mga times na walang katapusan yung Asaran natin. Yung tipong ilang minuto mo palang ako di nakakausap ang hahaba na ng mga messages mo sakin. Namimiss ko na yung mga times na nagbibigay ka palang ng motibo na crush mo ako. Yung tipong naga-i love you ka sakin tapos sabay "Yak! Ang panget mo talaga Panget! :*". Nung umamin ka sakin na crush mo ko literal na nagwala ako hahaha xD Namimiss ko yun. Tapos nung umamin din ako sayo na crush kita sinabihan mo pa ako ng Tanga kasi kabadong kabado ako nun. HAHAHA xD Gustong gusto ko na talagang pektusan ka nung time na yun. Tapos ang tagal mong nawala after a week (?) nung sinabi ko sayo na crush kita nawala ka bigla. Tapos nung isang gabi chinat mo ako, di mo alam kung gaano ako kasaya nun. Tapos sabi mo may sasabihin ka sakin. Tapos nung tinanong ko kung ano, sabi mo wag nalang pala sabay sabi mo bye na. Sabi ko "Edi wao kuya. Pabitin ee. Sige na Bye na. Matulog ka na." Tapos sabi mo joke lang. Tapos liligawan mo ako sa ayaw at sa gusto ko. RP lang naman. Tapos nag bye ka na ulit at nag Iloveyou Panget. sabay Yakk! xD Para lang timang nun. Pero ang cute naman. Tapos di ka nanaman nagparamdam. Miss na Miss na kita nun. Magchachat ka sabay mago-off agad. Simula nung Monday nawala ka. Simula din nung Monday chinat ako ng kaibigan ko na may nagchat sakanya na Jungkook RP. Makulit. Tapos Kalog ang tawag ng Kaibigan ko dun sa Jungkook RP na nakilala niya. Base sa mga kinukwento ng kaibigan ko sakin, makulit din siya tulad ni Panget. Tapos 3 day palang magkakilala yung Friend ko tsaka yung Jungkook RP nagka-crush na agad sila sa isa't isa. HAHAHA xD Ang cute nga ee. Kaso...

rayxxxxxe

Unnie!!Amarah to!!

rayxxxxxe

ok lang!!unnie follow back pls.
Reply

BlueKookie147

@xXPandaTaoXx AY SORRRYYY nagyon lang ulit ako nagbukas ng Watty ee Sornaaa~ XD
Reply