March 1, 2023
7:53 pm
Ang istorya ni Raja at ng mga Taga-bantay ay opisyal nang nagtatapos.
Matapos ang 194 days (kung tama ang pagpindot pindot ko sa aking mumurahing calculator) ay natuldukan na rin ang kwentong puno ng kalokohan, ka-cornyhan, kaguluhan at kung anu-ano pa.
Masaya ako at kahit inabot ng siyam siyam ang istoryang ito ay natapos pa rin kahit papaano, nabigla nga ako at patapos na pala.
Maraming salamat po sa mga bumasa, bumoto, at nag-iwan ng mga komento, kayo ang isa sa dahilan kung bakit ko ito itinuloy.
Maraming salamat mga Kabaro, sa susunod ulit!