GaelAragon_22

HOMBRES CALIENTES 1: SKYLER - BROKEN
          
          EXCERPT. . .
          
          Hindi niya maunawaan ang sarili. Bigla siyang tumayo at walang sabi-sabing hinalikan ito sa mga labi, na ikinabigla nito. Hindi agad nakakilos ang lalaki. Mabilis lang naman iyon, pero libo-libong kuryente ang nanulay sa buong katawan niya, kaya mabilis siyang napalayo rito.
          
          Subalit, mabilis na nahapit ng lalaki ang beywang niya. Ito naman ang walang pakundangang umangkin sa mga labi niya, na hinayaan naman niya. 
          
          Truth is, she likes the way he kissed her. Kakaiba iyon sa mga halik ni Cendrick sa kaniya. Masuyo sa umpisa na kinalaunan ay naging mapaghanap. Hindi na siya nagdalawang-isip na ipulupot ang mga braso sa leeg nito.
          
          https://www.wattpad.com/1433143524?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=GaelAragon_22
          The next thing she knew, lumalapat na ang kaniyang katawan sa malambot na kama, kung saan man sila naroroon.

GaelAragon_22

Hombres Calientes 1: Skyler - The Curse of Love
          
          BLURB:
          
          “TRUE LOVE DOESN’T COME AT THE PERFECT TIME. IT COMES WHEN YOU LEAST EXPECTING IT.”
          
          Mhia got betrayed by her boyfriend many times. Pero paulit-ulit pa rin niya itong pinatawad dahil naniniwala siyang magbabago pa ito. 
          
          Ngunit, nang masagad nito ang pasensya niya, siya na rin mismo ang pumutol sa sariling kat*ngahan. She ended up in the arms of a stranger. Si Skyler dela Merced; ang taong napakaraming lihim. 
          
          Paano nga ba niya ito makikilala nang lubusan kung sa bawat subok niya, palagi na'y nagsasara ito ng pintuan? At paano niya mapaniniwala ang lalaki na may pag-ibig, kung siya mismo ay nagdududa na sa totoong kahulugan niyon?
          
          https://www.wattpad.com/1432854958?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=GaelAragon_22