Kuya_Soju

Hello :) Please, subscribe kayo sa Youtube Channel ko na KAKABAKABOO. Mas active ako roon. Every week ay meron akong isa o dalawang upload. Sa nagustuhan ang 100 Tales of Horror ko, magugustuhan niyo rin for sure ang mga horror audio books ko sa akin channel kasi connected din sila. Maraming salamat :)
          	
          	LINK: https://www.youtube.com/@KakabakaBoo

EuphyStadtfeld

KUYA INUBOS KO TALAGA NATITIRANG PERA KO PARA SA BOOK 1 AT BOOK 2 NIYANG MR. MERMAID'S FIRST LOVE TAPOS NASA KALAHATI PALANG NG STORY YUNG BOOK 2! SOBRANG NAKAKABITIN! TAPOS NAG START KA AGAD NG IBANG STORY HUHU. ANG GANDA NG STORY SOBRANG INTERESTED AKO PERO BAKIT WALA NANG KASUNODDDD NASAYANG LANG PERA KO NABITIN PA AKO.☹️

Kuya_Soju

@EuphyStadtfeld Hello :) Maraming salamat sa pagbili mo ng book  ng Mr. Mermaid's First Love at sorry kung nabitin ka. Actually, gusto ko na sanang isulat ang book 3 and 4 niya kasi apat na books talaga ang plano sa story na iyon. Bale, book project kasi siya sa akin ng isang publishing company. Habang wala pa silang GO signal sa akin na gawin ang book 3 and 4, hindi ko pa siya maisusulat. Pasensiya na. Pero siguro, kapag nakaluwag ako sa mga ginagawa ko sa life, baka unti-untiin ko siyang isulat para kapag may GO signal na, matatapos ko agad siya. Maraming salamat ulit :)
Reply

Kuya_Soju

Ang kawalan ng kakayahan na magkaroon ng anak ang dahilan kung bakit iniwanan si Elena ng kaniyang asawa. Makalipas ang ilang buwan ng pag-iisa ay isang sanggol ang kaniyang natagpuan sa gitna ng kagubatan. Ang sanggol na nga ba ang sagot sa matagal na niyang dasal o ito ay dala sa kaniya ng kampon ng kadiliman?
          
          (Kung gusto niyo rin na maging bidang karakter sa aking mga susunod na kwento, mag-subscribe at mag-comment lamang sa isa sa aking mga video kasama ang iyong pangalan. Randomly ay mamimili ako.)
          
          Mapapakinggan na ang TIYANAK sa #KakabakaBOO's Youtube channel!
          
          Please, subscribe on my Youtube channel. Thank you :)
          
          LINK: https://www.youtube.com/@KakabakaBoo

Kuya_Soju

 #NewStory: THE INNOCENT WIFE
          
          Akala ni IRENE ay habangbuhay na magiging masaya ang married life niya sa asawa niyang si Hayden. Ngunit nang umusbong ang pagdududa niya na may iba itong babae ay doon na unti-unting gumuho ang mala-fairytale niyang kwento. Hanggang sa dumating sa buhay niya si Ronan--isang lalaki na nagbigay ng atensiyon kay Irene na hindi niya na nakukuha sa kaniyang asawa. Hanggang isang umaga, nagising si Irene sa isang kwarto at katabi niya ang walang buhay na katawan ni Ronan. Wala siyang maalala sa mga nangyari sa kanila ni Ronan sa nakaraang gabi. Sa takot at kalituhan ay humingi siya ng tulong sa kaibigang si Astrid. Tinulungan siya nitong itago ang katawan ni Ronan upang hindi magkaroon ng imbestigasyon. Akala ni Irene ay matatakasan na niya ang "multo" ni Ronan ngunit biglang umeksena ang kapatid ni Ronan na si Kelvin na gagawin ang lahat upang malaman nito kung nasaan si Ronan at ano ba talaga ang totoong nangyari rito. Mapapatunayan nga ba ni Irene na inosente siya o sadyang may kinalaman siya sa krimen na nangyari ng gabing iyon?
          
          https://www.wattpad.com/story/364744064-the-innocent-wife