May mga salitang di kayang bigkasin subalit kayang ikuwento at itula. Bantulot tayong ibahagi ang nasa loob subalit natatagpuan natin ang ating sarili sa mga babasahin. Sasamahan kita sa iyong pagbabasa tulad kung paanong hinahangad mong makamtan ang mga wala. Marahil di tayo nagkikita o magkakilala subalit sa pagbabasa tayo'y nagkatulad. Sasamahan kitang maligaw sa mga kuwentong nais tayong liparin sa mga di natin kayang makamit. Sasamahan kita sa bawat kaba o kaya'y pag-iisa sa tuwing natatakot tayong iwan, ang mga tauhang nais nating samahan at sa huli tayo pala'y iiwan. Hahangarin natin ang mundong tanging matataguan natin sa libro. Marami tayong puwedeng pagsamahan at marami tayong puwedeng pagkuwentuhan tulad ng isang matagal na magkaibigan na di nagkita. Kaya kong gawin, ang mga bagay na gugustuhin ko basta't wag mo sanang kalimutan na narito ako, sana'y nariyan ka rin sa bawat pagkukuwento ko ng sarili ko.
- JoinedApril 6, 2020
Sign up to join the largest storytelling community
or
Stories by SANTINAKPAN
- 2 Published Stories
MGA TULA At Mga Sandali
40
0
4
May mga sandaling gusto nating suungin ang lahat upang tagumpay ay makamit lamang.
#89 in weird
See all rankings