Ang SULAT (Samahang Umaagapay sa Literatura At Talento) Pilipinas ay samahan na itinatag ng mga Pilipinong manunulat na naglalayon na paigtingin, linangin, at palawakin ang kalidad ng Literaturang Pilipino sa loob at labas ng ating bansa.

MISYON:
» Magturo ng araling sulatin sa anyong piksyon at di-piksyon.

» Magbigay ng iba't ibang impormasyon patungkol sa Literaturang Pilipino para sa Pilipino sa loob at labas ng ating peninsula.

» Pagtibayin ang pundasyon ng pagtitiwala sa sarili ng isang Pilipinong manunulat sa pamamagitan ng pagbibigay-inspirasyon, simbuyo, at iba pang kapamaraanan ng pagganyak.

» Turuan ang mga manunulat patungkol sa etiko at prinsipyong sosyal para mapagtibay ang kanilang kakayahan sa pagsusulat.

BISYON:
» Upang maging kilalang grupo na tumatangkilik sa Literaturang Pilipino sa loob at labas ng ating bansa.

» Upang bumuo ng mahuhusay na manunulat na pinagtibay ng wasto at mahusay na edukasyon patungkol sa literaturang Pilipino.

» Upang magkaroon ng kaisipan ng pagmamahal sa bansa at kaisipan ng pakikialam sa usaping sosyal sa pamamagitan ng pagpapalawig ng mga ideya mula sa lokal at internasyonal na mga Pilipinong manunulat.
  • Pilipinas
  • JoinedMay 24, 2015



Stories by Sulat Pilipinas
BANYUHAY by Sulat_Pilipinas
BANYUHAY
Ang BANYUHAY ay koleksiyon ng mga akdang nilikha ng mga tagapamahala ng Sulat Pilipinas.
WHATPAD?! Ang Kuwento ni Karding by Sulat_Pilipinas
WHATPAD?! Ang Kuwento ni Karding
Ang "WHATPAD?! Ang Kuwento ni Karding" ay isang uri ng sulating komedya na naglalayong buksan ang...
1 Reading List