Mhar0se

Congrats sa pagsusulat! 
          
          Magpatuloy ka lang. Huwag ka sana panghihinaan ng loob. 
          
          Actually, sobra talaga akong humahanga sa mga aspiring writer. Iyong sa murang edad ay nakakapag-create na sila ng story. Iyong may sarili na silang mundo. Iyon hindi sila natatakot magsimula katulad mo. 
          
          Sa gan’yan din kasi ako nagsimula noon. A typical dreamer. Inosente sa mundo ng pagsusulat. Walang alam kung paano magsulat pero patuloy pa rin nagsusulat. 
          
          Aminado ako na hindi ako kasing galing ng mga kilala sa Publishing Industry pero nagsusumikap ako para humusay at mas lalo pa matuto. Pangarap ko kasi talaga maging writer.
          
          Basta magsulat ka lang nang magsulat. Magbasa ka rin nang magbasa. Basta kapag desidido ka sa ginagawa mo, maganda ang kahahantungan n’yan. May mararating ka.
          
          Huwag na huwag kang susuko. Huwag kang panghihinaan ng loob. Magpatuloy ka lang. Kaya mo ‘yan! May future ang kuwento mo. May future ka rin. 
          
          Congrats uli ❤️
          
          

Syzumi_

@Mhar0se awieee tenchu po sorry ngayon ko lang nakita hihihi awieee ikaw din po author keep writing 
Trả lời