nung gabing nawala
ka,
ay siya ring gabi,
kung saan
hindi ko mahanap
ang sarili ko
na para bang,
sumama siya sa
pag alis mo.
maaring,
hindi mag kasama
ang pisikal na tayo,
pero ang puso ko,
ay humahabol,
na sumasama
parin sa'yo.
parang ibang tao,
ang sarili ko,
nung hindi na ikaw
ang kasama ko.
bakit gano'n?
dahil ba pakiramdam
ko,
kinukumpleto mo
ako?
parang kulang ako.
parang may bagay
sa'kin na nawala
nung nawala ka.
  • JoinedJuly 8, 2022