Maikling Tula ni Emoon
(Tagalog)

Sa buwan kung saan abot tanaw sa malayo,
Ay ang paglitaw ng pangalan ko.
Emoon ang tinawag sa akin,
Ng buwang sadyang tahimik at mahinhin.

Misteryo ang bumabalot sa akin.
Ako'y hindi mabubunyag kahit inyong sadyain,
Ako ay mangangalatha,
Sa mga kwentong hindi kapani-
paniwala.

Ang tangi niyo lamang buksan,
Ay ang isip at imahinasyon na makapangyarihan.
Tulad ng panaginip na parang mito
Ang kwento ko ay may sariling mundo.

Sa inyong imahinasyon ay makikita,
Ang eksina na parang pelikula.
Ang mga kwentong isasaloob ko
Ay nababalot ng misteryo.

---☾〇 ☽---

Handa ka na ba sa kwentong magbubukas ng iyong imahinasyon?

Umpisahan mo nang lakbayin ang imahinasyon mula sa iyong isipan.

Tandaan, di lang tao ang nanirahan sa mundo
Maniwala ka, ang mundo ay misteryo

---☾〇 ☽---

Bisitahin niyo po ako sa aking account kung nais niyo pong magmensahe sa akin. Maari din po kayong magmensahe sa aking Wattpad account. Pasensya na din po kung may panahon na hindi ako makakasagot sa mensahe niyo.
Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook: https://m.facebook.com/edhara.moon?ref=bookmarks

Gmail: emoon11.ph@gmail.com

Bisitahin niyo rin po ako sa dalawa ko pang Wattpad account personas

Raha_Alab:https://www.wattpad.com/user/Raha_Alab
(kung saan ang mga kwentong inilalahad ko ay pag-ibig patungkol reyalidad ng dalawang mag-irog)

Lubos kong pinasasalamatan kayo sa pagbabasa at pagsusoporta sa aking mga kwento. Marami pong salamat sa inyo. Naway magustuhan niyo ang aking mga kwento. God bless po sa inyo.

---☾〇 ☽---

PAALALA:

Mula Lunes, Miyerkules at Biyernes nag-uupdate po ako dito ng bagong kwento.

Martes at Huwebes ako ay nasa isa ko pang persona @Raha_Alab.
  • Sa Isipan
  • JoinedOctober 1, 2013



Last Message
emoon11 emoon11 Jul 09, 2023 03:38PM
Hi everyone, it's me Emoon11. Pasensya na po talaga dahil ilang taon akong hindi na nag-a-update ng mga panibagong kwento. Naging sobrang abala ako sa matagal na panahon na halos hindi ko na natutuka...
View all Conversations

Stories by emoon11
Isla De Juan by emoon11
Isla De Juan
ISINULAT NI EMOO11 || Bumalik si Jasmine sa isla sa kadahilanan... Una, ang makita muli ang minamahal niyang...
MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PRINCE'S CROSS by emoon11
MYSTERIOUS VOICE 2: THE VAMPIRE PR...
ISINULAT NI EMOON11 || Sa karagatang pasipiko kung saan matatagpuan ang dimensyon ng mga bampira, natagpuan n...
MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KING'S MATE by emoon11
MYSTERIOUS VOICE 1: THE VAMPIRE KI...
ISINULAT NI EMOON11 || Sa lugar ng Bezna kung saan ay napapalibutan ng mga bampira at mga nilalang ay hahanap...
+18 more