kiajinnn_

Magandang araw sa inyong lahat at Maligayang Ikalawang Anibersaryo sa El Fuego En El Agua!
          	
          	Bilang isang munting pasasalamat ay maaari na ninyong basahin ng Kabanata 22 ng EFEEA! Pagpaumanhin sapagkat ngayon lang ulit ako nakapag-update bagamat ako'y nagpahinga mula sa nakakapagod na school year na ito. Inyong asahan ang mga susunod na updates sa buwan na ito. 
          	
          	Muli salamat sa walang sawang suporta sa aking nobela! May kiss daw kayo galing kay Mateo, Liam, Benjamin, at Esperanza HAHAHAHA

kiajinnn_

Magandang araw sa inyong lahat at Maligayang Ikalawang Anibersaryo sa El Fuego En El Agua!
          
          Bilang isang munting pasasalamat ay maaari na ninyong basahin ng Kabanata 22 ng EFEEA! Pagpaumanhin sapagkat ngayon lang ulit ako nakapag-update bagamat ako'y nagpahinga mula sa nakakapagod na school year na ito. Inyong asahan ang mga susunod na updates sa buwan na ito. 
          
          Muli salamat sa walang sawang suporta sa aking nobela! May kiss daw kayo galing kay Mateo, Liam, Benjamin, at Esperanza HAHAHAHA

kiajinnn_

Magandang hapon sa inyong lahat! Abangan niyo ang Kabanata 21 ng EFEEA ngayong araw. Paumanhin kung ngayon lang ako nakapag-ud muli sapagkat marami lang talaga akong ginagawang school works. Kaya hindi ko na kayo paghihintayin pa, humanda na kayo sa adventure nina Espeng at Mateo sa Laguna! Mahal ko kayo at salamat sa pagsuporta sa aking akda<3

kiajinnn_

Magandang araw sa inyong lahat! Nais ko lamang magpasalamat dahil umabot na sa 1k reads ang El Fuego En El Agua! Labis ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon at siguradong ganoon din sila Esperanza, Liam, Benjamin, at lalo na si Mateo! Nawa'y suportahan ninyo ang kuwento nila hanggang sa dulo. Muli, salamat at sana masarap ang mga ulam ninyo:)

kiajinnn_

Magandang araw sa inyong lahat! Aking pinagbibigay alam na updated na ang Kabanata 20 ng EFEEA. Ako'y kinikilig sa kabatang ito habang sinusulat ko ito. Aking ipagbibigay alam din na baka ito na ang huling update ko bago magpasukan dahil nais ko muna magfocus sa acads. Asahan ninyo na magiging madalang na muli ang aking update kaya sana ay abangan niyo pa rin ang mga susunod na kabanata. Maligayang pagbabasa!
          
          https://www.wattpad.com/story/223010099

kiajinnn_

Pagpaumahin kung ngayong araw lang ulit ako nakapag-update dahil kahapon ay inayos ko ang bagong book cover ng El Fuego En El Agua at sana ay magustuhan niyo ito. Aking sasabihin din na hindi ako makakapag-update agad-agad pagkatapos ng kabanatang ito sapagkat may mga bagay muna akong dapat asikasuhin. Sana ay hintayin niyo ang muling update ng EFEEA. Maraming salamat at maligayang pagbabasa!
          
          https://www.wattpad.com/story/223010099

kiajinnn_

Magandang araw sa inyong lahat! Isa ito sa aking espesyal na araw dahil ngayon ang kauna-unahang anibersaryo ng EFELA, ang unang nobelang aking sinusulat. Nawa'y subaybayan niyo pa ang kwento nila Esperanza. Aking pinagbibigay alam din na updated na ang Kabanta 16 at asahan ninyo ang mga susunod pa na kabanata sa mga susunod na araw. Maligayang pagbabasa!
          
          https://www.wattpad.com/story/223010099

kiajinnn_

Ibig ko sanang hindi muna mag-update ng El Fuego En El Agua. Aking bibigyang galang muna ang pagtatapos ng isang magandang akda ni Binibining Mia na isa sa aking inspirasyon sa pagsusulat. 
          
          Ang Bride of San Alfonso ay napalapit sa aking puso at ang pagwawakas nito ay nagbibigay ng saya at kirot sa aking puso. Lubos akong nagpapasalamat sa mga aral ng nobela na ito sapagkat hindi ko pa kaya itong bitiwan. 
          
          Nawa'y inyong maintindihan,
          Kiang.

kiajinnn_

@_xunflowrr Salamat sa pagsuporta:(
Reply