@pattyst4r di ba? Like hindi ko alam minsan kung bakit sumasali ang iba, lalo yung more than two years na yung book pero halatang walang editing na nangyayari. Sali lang siya nang sali, pataas nang pataas ang votes and reads. Ang sakit lang sa ulo. Okay lang sa akin yung newly published na book na may mga mistakes—it’s still raw. Magandang tulungan. Ako, talagang matagal na akong sumasali sa book clubs, just wanna make sure na may ibang mata na titingin, just too gauge the readability of my works. Kung naiintindihan ba nila? May friction ba? Ganoon. Pero talaga naiinis din ako pag halatang hindi nagbabasa yung partner. Lalo yung walang reading comprehension.
Kaya napapaisip din ako kung papahinga muna ako sa clubs lalo I have organic readers naman—thank god haha. Wishing you all the best, Patty :)