Si Bernardo O. Aguay Jr. a.k.a. Buboy Aguay ay nagsimulang magsulat ng iskrip pantanghalan noong nasa kolehiyo siya at manunulat ng BCAT Collegian. 
Mga Mumuniting Yagit ng Lipunan ang kauna-unahang iskrip na kanyang nasulat at ang iskrip na ito ay nagging proyekto ng Knights of Rizal at naipalabas ito sa iba't ibang lugar sa probinsiya.
Mula noon ay nagtuloy-tuloy na an kanyang gawain sa teatro at pagsusulat ng mga iskrip lalo na sa mga pagtatanghal ng mga aktibista sa lansangan. Kasabay nito ang pagdalo niya sa maraming mga palihan ng ARTIST, Inc., sa Los Baños, Laguna sa pagsulat ng iskrip at pagdidirehe ng dula hanggang sa siya ay maging resident director ng Kaboronyogan Bikol Cultural Network mula noong 1994.
Noong 1996, sa Ikalawang National Theater Festival, isa si Buboy Aguay sa mga manunulat at Direktor ng Simeon A. Ola na lahok ng Bikol sa Ialawang Tagpo 96 na bakarating hanggang sa Cultural Center of the Philippines.
Nagbukas din ang daang ito upang makatrabaho ni Buboy Aguay si Amelita P. Zaens at nagging director ito ng taunang Operetta ng Jumels Learning Center mula 2000 hanggang 2005.
Ang sarzuelang " Si Nanay, Si Tatay" ang isang malaking proyekto na kinabilangan ni Buboy. Nasundan ito ng Oliver Twist na naipalabas sa Bikol hanggang sa mga Unibersidad ng Sto Tomas at Concordia College, Manila.
Ang Manto ayang sarzuelang nagging tanyag na sinulat at dinirehe ni Buboy para sa pagdiriwang ng ika-300 na debosyon kay inang Peñafrancia noong 2010.
Nanalo ng Ikatlong Gantimpala sa pagsulat ng Dulang May Isang Yugto sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 2011.
Nagawaran ng NCCA Writers Prize 2017 sa Drama Category- Bikol

Kalahok sa 57 UP National Writing Workshop na gaganapin sa April 1-8, 2018 UPLB
  • JoinedFebruary 22, 2018



Last Message
user11285596 user11285596 Jul 20, 2019 12:15AM
Read the story in Wattpad and have the chance to have access to the novel ahead of its printed copy. https://www.wattpad.com/story/194585999
View all Conversations

Stories by Bernardo Miguel Olayon Aguay Jr.
HIMOLO by user11285596
HIMOLO
POETRY BIKOL
TARAGOAN BINGKAY by user11285596
TARAGOAN BINGKAY
Compilation of Tagalog Short Stories
padayaw by user11285596
padayaw
padayaw