KABANATA 6

161 10 0
                                    

When A Rebellious Heart Changed

Kabanata 6

"Ngayon ka lang umuwi?"

Nagulat si Alvira ng bumungad ako sa kanya mula sa kusina.

"Ba't gising ka pa?" tanong nito.

Umirap ako. "I asked you first, tapos sasagutin mo ako ng tanong.."

"Pasensya na, gabi na kasi akala ko ay di na kita maabutang gising.."

"Sanay ako sa puyatan, Alvira.. Anyways, don't answer my question," aniya ko at tinalikuran na ito.

"Nagkatuwaan kami ni Martina at nagkaroon ng kaonting inuman sa kanila kaya ako ginabi.."

"Who cares? Sabi ko sayo wag mo na sagutin.." umirap akong muli at pumasok na sa kwarto ko.

Nang makapasok ay agad akong dumiretsyo sa kama at humiga. Damn it! Anong oras na at ngayon lang siya umuwi, hindi kaya nanlalaki ang babaeng 'yon? Huwag niya lang subukan hangga't nasa poder niya ako. Mahiya naman siya kay Papa, kakamatay lang manlalaki na agad.

Kalaunan ay nakatulog na ako at nagising sa ingay ng mga kubyertos mula sa kusina. Kinusot ko ang aking mga mata at humikab.

I looked at to my wrist watch na nasa side table lang. It's only six in the morning.

It's still early.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto kung saan naabutan ko si Alvira na nasa pintuan na at nagbubukas ng payong, mukhang papaalis na ito.

"Good morning! Maaga ako ngayon sa trabaho, kumain kana.." ngumiti ito at lumabas na ng bahay.

But it's too early. Madalas ay ala-siete pa ng umaga siya napasok. Nang isara nito ang pintuan ay hinabol ko siya ng tingin mula sa bintana.

May lalaki talaga si Alvira!

Pero sino? Who is that fucking guy?! At kailan pa?

Hanggang sa makapasok ako sa eskuwelahan ay laman ng isip ko ang panlalaki ng aking madrasta. What the fuck! How dare her, she cheated on my father! At kahit pa wala na sa mundong ito ang aking Papa ay hindi miya dapat niloloko si Papa. She's still carrying my father's surname. Mahiya naman siya!

"Ang lalim ah.."

Napakurap-kurap ako ng biglang umakbay sa akin dahilan para maalarma ako at agad na pinaikot ang daliri nito sa ere.

Napadaing ang lalaki at agad na lumayo sa akin. Shit! Si Easton!

"What the hell, Easton.." aniya ko.

"What the hell? Bakit mukhang ikaw pa ang nasaktan, aray.."

Hinimas nito ang kanyang mga daliri at hinipan pa. Papasok palang ako ng gate nang umakbay siya sa akin.

"You shocked me. Inakbayan mo ako bigla.." umirap ako.

Mahina itong tumawa na tila nakabawi na sa sakit na binigay ko.

"Kumusta ang uniform, ayos ba?" tanong niya habang sinusuri ang aking kabuuan.

Napangiwi ako. "Don't look at me like that, gross.."

"Ay, wow! I accept thank you, for you.."

"Thank you," sarkastiko kong saad.

"Mukhang di naman bukal sa puso.."

Hindi na ako sumagot ay seryoso lang itong tiningnan.

"Papasok kana ba?" tanong niya.

Tumango ako at inayos ang aking bagpack.

"Hatid na kita.."

"Kaya ko naman pumasok mag-isa.."

When A Rebellious Heart Changed (Ladies Of Esmeris Series 1)Where stories live. Discover now