Reckless 42

52 9 1
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. I took a glance on the wall clock and it indicates 4 a.m. I decided to take a fast bath. Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng komportableng damit.

I headed to the kitchen and grabbed a bottled milk from the fridge and an apple. Kumain muna ako saka ako nagtungo sa training room at pinindot ko ang blue button para sa kwarto ng kambal. That means that they need to be here in the TR pronto.

Saktong naayos ko ang buhok ko ng bumukas ang pinto at iniluwa doon ang kambal na nakapantulog pa. One commendable thing about my cousins is that, hindi sila natutulog ng nakaboxers lang. They sleep topless and of course sa ibaba ay pajama. And ngayon ay gusto kong bumunghalit ng tawa dahil ang suot lang naman nilang pajamas ay printed. Angry birds na red yung kay Van tapos SpongeBob naman yung kay Ken. Imagine two drop dead gorgeous males wearing cartoon character printed pajamas.

"Gear up Van. Time for my morning training." Maikli kong saad saka ko kinuha ang dalawang katana na nasa may rack. Initsa ko sa kanya ang isa saka pumwesto na sa gitna.

I put my self on the defense mode. Una siyang umatake sakin. Sinalag ko naman ito.

Side

Side

Center

Down

Side

Crown.

Lahat ng atake niya ay mabibigat. Malamang, galit nga to dahil naudlot ko ang mahimbing niyang tulog. Ang kaninang papikit pikit na si Ken, ngayon ay dilat na dilat na. Kulang nalang popcorn kung makaasta kasi parang nasa sinehan habang nanonood sa sparring naming dalawa ng kambal niya.

Nakahanap ako ng tiyempo kaya mabilis akong tumira sa kanya. Kung kanina ako ang depensa, ngayon akin naman ang tira. Matagal tagal na din kami dito sa practice na to. Tumutulo na ang mga pawis. Tirik narin ang sikat ng araw.

He attempted to slice me on my left side pero iniwasan ko yun by turning my body. Nasa likod na niya ako ngayon saka ko siya pinukol gamit ang handle ng katana. Napaubo siya sa lakas ng impact nun. He was angry now. Agad siyang humarap sakin at pinaulanan ako ng sunod sunod na tira. Mabibigat ang bawat hampas niya at lumilikha ng nakangingilong tunog ang bawat pagtatama ng mga bakal ng katana namin.

I smirked. This makes my blood awake. I'm more excited. Pinagpatuloy namin ang palitan ng tira at salag. Medyo hingal narin kaming dalawa.

I side stepped kaya napasubsob siya. Kinuha ko ang pagkakataon na yun para apakan siya sa likod saka ko itinutok sa leeg niya ang talim ng espada.

"Game oven Van. I won!" Inabot konsa kanya ang kamay ko at kinuha niya naman ang suporta para tumayo saka ko siya inabutan ng towel.

Uminom ako ng tubig saka humarap sa kanila.

"I will leave tommorow to the Philippines. May aasikasuhin lang akong importante. Take over the mafia. Wala munang merchandise na papasok at lalabas. Get information about Blood Ardent Mafia. Hack their system if need be. I need it after a week. Pupuntahan ko ang hukom ng underground society." Tuloy tuloy na paliwanag ko sa kanila. Hindi na pwedeng maantala pa ang gagawin ko.

"Can't we accompany you?" Agad na singit ni Ken.

"Nope. I need to do this pronto. Hindi ko gusto ng sagabal sa plano." Saad ko.



~

Night came. At exactly 9 p.m. ay inopen ko ang base ng IT ng mafia. I searched and typed few codes before I reached their base. Ang pinaka tinarget ko ay ang database nila.

I hacked it and left a message. 'We need to talk. Alone. ' sabi ko sa last message pero in codes.
Minutes later, my screen went red. He wants access. So I let him.

"Hello darling." Nakangiti siya na parang tanga habang nakaway pa.

"Anong nangyari sa yate?" Agad na tanong ko. Agad naman siyang umayos ng upo. Saka niya pinagsalikop ang kamay niya. He pressed a few buttons on the table.

"I really don't know. But I heard about the Blood Ardent Mafia." Sagot niya sakin. This time seryoso na siya. So pareho talaga ang nakalap naming balita. This anomaly piques my curiousity.

"Hmm.. we heard the same thing. I'm going to the Philippines tommorow." Pagpapaalam ko sa kanya.

"What? Why? Why didn't you told me?"

"That's why I'm telling you now." Taas kilay kong sagot sa kanya. Buti nga nagpaalam pa ako eh. He looks frustrated. Marahas itong napasuklay ng buhok.

"No worries. I'll be at my parents house. I'll send you the address. I'll be playing detective. I know you wanna join. I'll give you a code as password. A'right?"

Bumuntong hininga muna siya saka sumagot ng "Fine."

"I will not go out from the house when I get there. I'll settle everything first. I'll have our one week supply delivered. We don't want to alarm those who constantly watch our moves."

Of course, we need to be discreet in this mission. Alam ko na may koneksiyon ang lahat ng naganap noon at ngayon. Para lang yang damit. Ang sinulid ay ibinuhol para magawa ang damit. Kapag isa dito ang kumalas, otomatikong sasama at mawawasak ang lahat. From the start to the end, everything is connected.

"Sure. I'll just sneak in. Maybe at night or something."

"Ok. Just be sure to use the code or you'll end up dead meat and I'm serious about that."

"Yeah yeah."

Mahabang katahimikan muna ang namagitan saming dalawa. Alam ko na pareho naming tinitimbang ang sitwasyon ngayon.

"I miss you now darling." Siya ang bumasag ng katahimikan.

"Ewan ko sayo Steven. Kakikita palang natin kanina ah. Miss miss ka jan." May pagka OA talaga ang lalaking to. Pansin niyo?

"What? It's true. Don't you miss me too?"

"Bat kita mamimiss? Nakita na kita eh. Natiis ko nga na hindi ka makita sa mahabang panahon. Ngayon pa na nakita kita. Malabo kitang mamiss." Pero syempre joke lang yun. Pero nanahimik talaga siya. Nagtampo na yata.

"Steven."

"..."

"Steven. Woi! Sagutin mo naman ako oh."

"..."

"Steven, sorry na. Syempre namimiss din naman kita pero kasi... Sorry na oi. Sige na please? Bati na tayo."

"..."

"Bahala ka nga jan! Ang arte arte mo. Nakakainit ka ng ulo. Ewan ko sayo Steven."

"Ikaw pa galit samantalang ikaw naman ang nanakit?" Napamaang ako.

"Wow! Ako? Sinaktan ka? Kelan?"

"You don't realize it do you? You always do that and just take the matter lightly. Kahit sa simpleng salita mo nasasaktan ako. Sana alam mo yun."













🍁🍁🍁🍁🍁
Ah oh! Samantha went overboard.

Shout out pala sa mga reader nito na waray waray (kung meron man). I made this quote and I want to share it with you.

"WANTED. Pero diri kinaruyag."

😜😂 Saklap noh? Ikaw ba yan be? Comment down.

RECKLESS: TAINTING HER INNOCENCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon