CHAPTER 1 - FIRST

302 56 40
                                    

HTS ONE: #UTS

"Ano ba Rhobert, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na kailangan na nating mabayaran ang utang natin kay Aling Neda?!"

"Ano bang sinabi ko sa 'yo kanina? Ako na ang bahala at ako naman ang magbabayad n'yan!"

"Puro ka salita, 'yan na rin ang sinabi natin noong makalawa, pero ano? Nabayaran ba natin?"

"Mariana tumigil ka habang ako'y nakakapagtimpi pa sa 'yo!"

"Sirang-sira na ang pangalan ko sa lahat ng tao, naturingan pa naman akong isang guro!"

Naalimpungatan ako nang dahil sa sigawan ng aking mga magulang sa kabilang kuwarto. Well ano pa nga ba ang bago, e halos araw-araw naman silang nag-aaway ng dahil sa utang nila.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong ng narinig ang pagbabangayan nilang dalawa. Hindi ko nga alam kung aware ang mga magulang ko na alam ko palagi ang pinag-aawayan nila.

I checked my phone and it was already 3 AM. Nagulantang ako dahil ngayon lamang sila nag-away ng ganitong oras. Kadalasan kasi ang pag-aaway nila ay sa umaga, o 'di kaya'y paminsan-minsan ay sa harap pa ng hapag.

I dialed my friend's number, because she is the one I can talk to at this time.

["Hello Klaire, what are you up to? It's still in the morning."] Her voice sounded like she was still drowsy.

"Hmm, I just want to remind you, about sa gala natin for tomorrow-I mean mamaya na pala," I said and I can't help but feel ashamed because it looks like I woke her up.

Akala ko kasi ay gising siya ng mga ganitong oras, dahil palagi siyang nanonood ng anime na inaabot siya hanggang madaling araw. Hindi ko naman kayang sabihin sa kaniya agad ang problema ko lalo pa't kagigising lang n'ya.

["Klaire, why do you need to remind me? Kailan ba 'ko hindi sumipot sa mga gala natin?"] tanong niya sa mula kabilang linya, at hindi ko maiwasan malugmok sa kinahihigaan ko dahil gumising pa ako ng isang tao para lang sa problemang ito.

I sighed out of defeat. "Hindi lang ako makatulog," saad ko at hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ko nakuha ang mga dahilang iyon.

I heard her chuckle. ["No, Let me guess? Nag-aaway na naman ba ang mga parents mo?"]

Hindi na ako sumagot dahil alam naman niya ang mga dahilan kung bakit ako tumatawag sa kaniya, lalo pa't wala naman akong magandang rason na idadahilan sa kaniya kung bakit ako tumawag.

I heard her sighed on the other line. ["Klaire Marriane Frakier, how many times do I have to tell you that you need to talk to them?"] tanong niya sa kabilang linya, at mukhang napabangon na siya mula sa kaniyang kinahihigaan.

"And how many times do I have to tell you that you don't say my full name?" Hindi ko pinansin ang tanong niya, bagkus tinanong ko rin siya. I'm not a fan of those people who want to be called by their full name. Masiyado na akong nahahabaan sa Klaire, ano pa kaya ang buong pangalan ko 'di ba?

["Wag mo 'kong maganyan-ganyan Klaire Marri-"] I cut her off before she could continue what she was going to say.

"Sakiya Josefina Morfelliano," I seriously said.

["Okay, okay. Just answer my goddamn question for Pete Sake!"] she slightly shouted on the other line.

Umayos ako nang pagkakaupo at inihilig ang ulo ko sa headboard ng kama at tumingin sa kisame na may nagliliwanag na mga bituin. "For what? Ilang beses ko na silang nakausap, pero ano? Ganito pa rin sila." I sarcastically laughed about what I said.

HTS ONE: Until the Sunset (UNDER EDITING) Where stories live. Discover now