Kabanata 18

900 22 2
                                    

Kabanata 18

Ngiti

After the Battle of the Bands, I knew it has started to become hard to talk to my cousins. Ramdam na ramdam ko 'yon tuwing kami ni Therese ang magkasama. Nabanggit din niya na pinaghahandaan na raw ni Cloud ang pagdating ni Freesia.

Why?  His responsibility, he told me, but I knew that he's masking it for guilt and affection.

"Nag-aalala ako kay Cloud... pero wala e, 'yon lang magagawa ko..." panimula ni Therese nang ayain akong lumabas. Pansin ko na naiiyak siya habang iniikot ang straw. "A-Alam mo, ang sakit na sa dibdib..."

She raised her head at me, a tear escaped from her eye. Mabilis niya 'yong pinalis bago pinilit ang sarili na ngumiti.

"'Y-Yung mga pinsan ko, naghihirap h-habang ako walang ibang magawa k-kun'di damayan sila—"

"It's enough," I whispered. "It's enough, Therese... swear..."

Humugot siya ng malalim na hininga bago itagilid ang ulo. "Alam mo 'yung- alam mo 'yung gustong-gusto mo silang tulungan p-pero natatakot ka na baka mapalala m-mo 'yon? Gano'n... sakit..."

I caressed her back. "You being there is enough, promise. 'Yung presensiya niyo ni Cloud tuwing mabigat ang dibdib ko? I appreciate it a lot. Sobra-sobra, so please do not think that your presence is useless for someone who needs someone to lean on."

Hindi ko alam kung bakit bumigat muli ang dibdib ko nang sinabi 'yon. Hindi ko mapigilang tawanan ang sarili dahil bakit napakasama ng mundo sa 'kin? Napakadali lang naman magsabi ng eksplanasyon tungkol sa bagay-bagay—nagagawa ko nga 'yon, pero bakit hindi nagawa ni Mommy? Does this prove that I am not worthy of explanations or anything?

I let out a sigh when I realized that I started to question it, again. Hindi ko na dapat alalahanin pa ang rason ni Mommy dahil kahit gaano karami ang tanong ko, hinding-hindi niya sasagutin 'yon. Kaya nararapat na lang ang pananahimik.

"P-Pero kasi parang 'di enough—"

"It's enough." I held her shaking hands. "Please, Tere? Tahan na. Don't worry yourself about it too much. Malalampasan natin 'to..."

Teary eyed, she looked at me. May tumulo na namang luha mula ro'n kaya pinalis ko. Nagpumilit siya ng ngiti bago higitin ako sa isang yakap.

"Thank you, Sav..."

"No problem." It's the least that I can do.

I waited for her to settle down. Nang mahimasmasan siya ay dumating si Cloud, mukha ay malamlam. Nakita ko pa ang pagpilit niya ng ngiti nang maupo sa kama.

"Ganda naman dito, bedroom-themed..." There was an unusual tone in his voice. Sa sobrang dalas sa pandinig, hindi ko mapigilan ang masaktan.

The three of us were silent after that. Pati ang paggalaw sa pagkain na inorder ay hindi magawa dahil nangangamba sa kung ano mang nasa paligid.

It felt suffocating to bear... like there's something wrong... or there's something that needs to be faced. Napakabigat sa dibdib kaya hindi ko alam kung paano gagalaw o hihinga.

"Ano—"

"Cloud—"

"Nakita ko na si Freesia." His eyes were dark as he played with the menu. Tahimik niyang kinukutkot habang nakatuon ang atensyon do'n.

Is he going to talk about Freesia today? Nakaplano na ang paglabas naming tatlo ngayon ngunit hindi sigurado kung dadating ba si Cloud. Ngayon na nandito siya, hindi ko alam kung paano mangapa sa ganitong kabigat na paligid.

Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)Where stories live. Discover now