Kabanata 28

710 23 1
                                    

Kabanata 28

Dependent

I haven't disclosed the plan that I have to Lucinda Mujer, yet, because I'm carefully thinking of the idea that the plan will have. I feel like I'm dragging myself towards the depths of my despair because of what I'm going to do, but I heed no mind with the decision on continuing it.

No, I'm not asking for acceptance that's why I'm "perfecting" the plan to help my brother's condition—I'm already done with that. What I'm taking my time on is weighing on how I could work on this and apply what I've learned in my program.

I know handling a company isn't easy. Even though I'll be acting as a substitute, a position that's not yet confirmed, it still won't be easy, too, but I want it to be fool-proof, at least. Ayokong pumalpak hindi dahil natatakot akong mapahiya. Ayokong pumalpak dahil hindi ko alam kung paano ko itatrato 'yon.

I know I have a fair share of mistakes ever since I was born, but all of those are mistakes seen under someone's rulings, not mine. Now that I have been trying my best to implement my own, I still don't know what categories I should improve myself on.

My rulings. My mistakes.

Luckily, I was able to carefully fix the plan. Hindi ko alam kung ano ang madadatnan ko sa kumpanya kaya habang bumibisita kay kuya sa ospital ay tsaka lang ako nagtatanong.

"Hindi ko ba nauubos oras mo, Diem?" tanong ni kuya habang ipinagbabalat siya ng mansanas ni Ate Paige.

I looked at my brother from the book that I'm reading. Umayos ako ng pagkakaupo sa couch ng suite bago ibinalik muli ang tingin sa binabasa. "Your business books are helpful. At may background naman ako, kuya."

"Madami pa sa bahay..." Ramdam ko ang pagsisisi niya pagkatapos no'n.

Umakto akong hindi naapektuhan kahit ang totoo ay naapektuhan ako nang bahagya.

Bahagya.

I mentally smiled to myself and proceeded on understanding the materials.

"Kumusta naman ang school, Diem?"

"It's fine," I commented as I flipped the page. Sinuyod ng mata ko ang nakasulat sa makapal na libro. "Dean's lister pa rin, kuya."

"Sabi na nga ba magkapatid tayo!" he exclaimed.

Kunot-noo ay napatingin ako sa kan'ya. May malawak na ngisi sa labi ni kuya habang naka-thumbs up. Inilingan ko na lang siya, inirapan, at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

My days went on like that. Naka-dadalawang linggo si kuya sa ospital ay hindi ko pa nasasabi ang tungkol sa gagawin ko. Payagan man nila o hindi, wala na akong gagawin pa kun'di respetuhin ang gusto nila dahil nakasalalay rito ang kumpanya.

But I could not meddle with it, right? I could turn a blind eye on it and continue thinking that I am unknowledgeable about it. Pero baka nga may parte pa rin sa 'kin na niloloko ko ang sarili ko. Ayoko na lang isipin pa kung gano'n na nga kasi nakapapagod na mag-isip.

Bumuntong-hininga ako. Ang gulo ko talaga.

Nang bumisita ako kay kuya noong isang araw ay hindi ko mapigilan ang magalit. Siguro ay dala ng halo-halong emosyon na nananaig sa dibdib ko.

Humugot ako ng malalim na hininga habang tahimik na nakatayo sa may pinto, tinatanaw si kuya.

Kita ko ang kunot ng noo niya habang may binabasang papel na nakapatong sa lamesa. Nang maubusan ng pasensiya mabilis akong nagpunta ro'n at hinampas ang kamay. Napatalon si kuya sa gulat.

Epigraph and Quintessence (STATION Series #4)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora