PINAG TAGPO AT ITINADHANA NGUNIT AYAW SA ISA'T ISA

36 0 0
                                    

Me: "HI BOBOY MAHAL KO, GOODMORNING. KAMUSTA TULOG MO? GISING KANA BA? NAKU GUMISING KANA. MAG MOMOG KA NA DIN AT MAG KAPE KANA DYAN. INGATAN MO YANG SARILI MO DAHIL PAPAISA PA AKO SAYO KAPAG NAGKITA TAYO. HAHAHA JOKE. KAAGA AGA NANG MAMANYAK NANAMAN AKO NG JOWA KO😂 ILOVEYOU MAHAL MWAH!"


Maaga palang ay tinext ko na ang jowa kong si Boboy. Well long distance relationship kami e kaya mahala talaga ang connection sa isa't isa. Sabi nga "once the communication fades, feelings will follow" so payo ko sa inyo na mga LDR dyan, fighting! Haahahaha---


"Hoy Indayyyyyyyy!!!! Gumising kana tanghali na. Sus maryosep kang bata ka, anong oras na nakahilata kapa dyan sa higaan mo. Bumangon kana dyan kung ayaw mong mabuhusan at mapaliguan kita ng isang drum ng tubig. Bilisan mo at bumaba kana dito at tulungan mo akong magluto"

Hayyy ano ba naman to si mama kaaga aga nag rarap nanaman kulang nalang mag beatbox ako para sa kanya.

Nagdadabog akong bumangon nang marinig ko ang cp ko na tumunog. Yiiee baka si Boboy mylabs ko na to. Agad agad kong binasa ang text.

BOBOY: "INDAY MY LABS GOODMORNING DIN. NAKU MAHAL DI MASARAP ANG TULOG KO, ANG INGAY KASI NG KAPIT BAHAY NAMIN DITO KAYA AYUN NAGISING AKO NG WALA SA ORAS HAYS. ANYWAY MAHAL ILOVEYOUTOO"

Lumundag lundag ako sa kama ko nang nabasa ko ang text ni Boboy mylabs. Ahahaha enebe ang ganda ganda ko aaaaaaaackk, haba ng hair mo inday yiiee, apaka swerte ko talaga sa taong to. Napapasayaw ako ng budots sa keleg. Sayaw duon sayaw dito.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si mama na may dalang isang balde ng tubig.

"Langya kang bata ka kanina pa kita hinihintay bumaba, gusto mo talagang maligo dito sa higaan mo no!!!" ani ni mama na aakmang bubuhosan na ako ng tubig.


"Ma, hala saglit lang"

"Oh e bakit!?"

"Ay galit na galit ma? Ustong manakit?"

"Abay lokong batang to ah"

"Ma saglit nga lang" hinarangan ko ang kamay nya dahil talaga ngang papaliguan nya na ako dito.

"Mama, sabi mo ho kanina isang drum ipapaligo mo. E isang balde lang yang dala mo e. Kulang yan ma. Balik ka dun sa baba kunin mo yung isang drum" ani ko kay mama.

"Ahh ganun ba nak? Oo nga no. Sige wait mo ko ah"

"Opo ma. Ingat po sa pag buhat. Babye"

"Babye"

Patalikod na sana si mama nang biglang nag bago ang awra.

"Walang hiya ka talaga pinagloloko mo ko!!"

Hinampas hampas ako ni mama ng sandok kaya dalidali na akong bumaba papuntang kusina.

"eto na ho, bababa na."


-------

Me: "MY LABS:("

BOBOY: "OH BAKIT SAD ANG BABY GIRL KO?"

Me: "SI MAMA MYLABS PINALO AKO NG SANDOK"

BOBOY: "HA? BAKIT?

Me: "WAIT LANG MYLABS AH, BALATAN KO MUNA YUNG SAGING NG MAMA KO. TULONGAN KO MUNA SYA MAGLUTO NG BANANACUE. TEXT YOU LATER. MWAH"


"Hoy inday ako tigilan mo ako sa kakangisi mo dyan. Anong nginingiti-ngiti mo?"

"Sus si mama talaga apaka highblood. Wala yun, katext ko lang si Boboy yung sabi ko ho sainyo na jowa ko"

"Naku inday ikaw umayos ka ah, di mo pa yan nakikitang lalaki na yan pag yan nirape ka umayos ka ng buhay mo"

"Pag nirape, edi uungol. Problema ba yun"

"Abay lokong batang to ah" hahampasin nanaman sana ako ng sadok ni mama ngunit naka ilag ako.

"Mama yung kawali umuusok na lagay mo na ang mantika" sabi ko habang tinuturo ang kawali.

"Hala nak wala na tayo mantika bili ka muna duon kila Pandoy bilis!'

"Hala ano ba yan si mama uy, ayaw ko ho bumili dun sa Pandoy na yun. Napaka sungit, feeling gwapo pa akala mo naman masarap!"

"Hoy inday umayos ka nga ng mga pinagsasabi mo dyan. Mas malapit ang tindahan nila pandoy kaya bilisan mo na dahil umuusok na ang kawali"

Me: "MAHAL WAIT LANG AH, INUTISAN PA AKO NA BUMILI NG MANTIKA E"

Tinext ko ang jowa ko habang padabog na lumakad papunta sa tindahan nila Pandoy.

"TAO POOOOOOOOO! MAY BIBILI HO"

"TAO PO, TAO PO, TAO PO TAENA PABILHIN NYO AKOOOOO"

Ang tagal naman ng yawa na tindero na yun.

"TAO POOOOOOOOOOOOOOO!"

Wala parin. Kaya naman mas nilakasan ko na ang pagsisigaw ko.


"PANDOYYYYYYYYYY! PABILI AKOOOOO! MANTIKAAAAAAAAAAAAAAAAA!!! ISANG BOTEEEEEEEEEEEE! PAKIBILISANNNNN YUNG KAWALI NAMIN UMUUSOK NAAAAAAAA"

Mayamaya pa ay narinig ko cp ko na tumunog.

Ahhhhyyytt si mylabs ko pala.


BOBOY: MAHAL WAIT LANG AH MAY HAYOP AY ESTE TAO PALA, SA TINDAHAN BIBILI ATA.

Me: "OKAY LANG MAHAL TAKE YOUR TIME"

Nagulat ako nang biglang sinigawan ako ni Pandoy.

"ANO BA KASING BIBILHIN MO! NAPAKA ISTURBO!"

"kung ayaw mong magpaisturbo sarado mo tong bulok na tindahan nyo! Kanina pa ko nagtatao po walang tao, akala ko pati tindero nabulok na din"

"HOY INDAY ITSURA MO NA YAN. IKAW ANG MAS BULOK KESA SA MGA PANINDA KO!"

"aaahhh wala akong pake! Bigyan mo nalang ako ng isang boteng bulok mo na mantika. Bilis at baka mapagalitan na ako ni mama. Tagal tagal!"

Habang nagtatakal ng mantika ay nakita kong nilapag ni Pandoy ang cp nya sa harap ko kaya naman naisipan kong mangialam at pagtripan ang cp nya. Kinuha ko ang cp nya at itinext ang katext nya.

Nakita kong "Mylabs" ang naka lagay kaya kumunot ang nuo ko.

"Pshh gaya gaya sila ng call sign ng jowa nya"

Ngumisi ako nang sinend ko na ang text sa jowa nya. AHAHAHAHAHA

"LET'S BREAK, AYUKO NA SAYO. NAPAKA PANGET MO!"

HAHAHAHAHHAHA. tawa lang ako ng tawa habang pauwe ako ng bahay. Buti nga sa kanya.

Iniabot ko na kay mama ang isang bote ng mantika at narinig kong tumunog ang cp ko. Yiiee si maylabs na ata to.

BOBOY: "LET'S BREAK, AYUKO NA SAYO. NAPAKA PANGET MO!"

Nabagsak ko ang cp ko nang nabasa ko ang text ni Boboy mylabs ko.

Taena, eto yung text ko sa jowa ni Pandoy ah. Pota owemjii posible kayang si Pandoy at Boboy mylabs ko ay iisa?


POTA~ Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh!



THE END


------

Written by: Angel Chua
Work of fiction ✔
VISIT MY TIMELINE OR FOLLOW ME FOR MORE STORY. KINDY DROP A 💙 BELOW. LOVE Y'ALL BABIES.

-angelZbabies💙

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ROMCOM ONESHOT STORIESWhere stories live. Discover now