Prologue

237 8 3
                                    


"'Yung buhok mo!" Tawag sa akin ni Mommy ng makalabas ako ng pinto. "Cheska!" That's when I halted from running. Naiiling na nakasunod sa kaniya ang Dad. Sumandal siya sa doorway at napahalukipkip. Inayos ni Mom ang toga ko at sinukbit sa kilikili ang sombrero para talian ako ng buhok. "Ang excited mo, alam naman naming gagraduate ka na. Hindi aalis ang auditorium ng Kong's Prime!" She mentioned the school na pagmamay-ari na ni Dad.


Dad was looking at us with ease as I heard him sigh. "Dad? Punta ka rito, dala ko regalo ni Tito Gabgab sa akin." Pinakita ko sa kaniya ang nakasukbit na instax. Tito Gavin gave this on Christmas, lahat kaming magkakaibigan at magpipinsan, may ganito.


"No, it's okay, ako na lang ang kukuha." He said as he stood properly. Nang matalian ni Mom ang buhok ko, he held my face. "Laki na ng anak ko." Bumalik si Mom sa loob at naiwan kami sa tapat ng pintuan.


Nilibot niya ang tingin sa unahang bahagi ng bahay. This is not a simple house that he got for us. Sabi nga ni Tito Jazen, nag-away pa sila before dahil sobrang laking lupa ang inavail ni Dad and he wanted the house to be done in ten months. Nagkasundo sila sa one and a half year at halos sabay sabay silang nagsilipatan sa village kung nasaan kami.


Pero weird enough, we still meet up in Kongkong instead na rito na lang.


"Kasama si Toby, Dad?" Tanong ko. I have a little brother, he's two years old and he's a plumping cutiepie. Super cheeky cheeks kasi.


Tumango si Dad at inakbayan ako. "Bago tayo, puntahan natin si Tito Civic?" He asked. Nanlaki ang mata ko.


Bakit pupunta kami sa sementeryo?


"Baste! Pakikuha na 'yung baby bag ni Toto!" Rinig kong banggit ni Mom. Hawak niya si Toby na nagkukusot ng mata. Mukhang kagigising lang.


May kumalampag sa gate at nakita ko si Amen na kumakaway. "Ka!" Sigaw niya. Lumapit ako para pagbuksan siya ng pinto. Nagsipuntahan na ang mga lalake kong kaibigan, mga anak ng kaibigan ni Dad.


Pagkabukas ko ng pinto, may inabot silang bulaklak sa akin. "Happy graduation, Ka!" Sigaw ni Jaha na kakakambal ni Amen.


May tumigil na van sa tapat at mukhang sila Tito Andong 'yon. "Gwapo natin ah!" asar ko sa kambal. Jaha rolled his eyes. Lumingon ako sa bahay at nakita kong inaayos ni Dad ang neck tie ni Kuya Rael. Gagraduate rin siya ngayon pero college na. Inakbayan siya ni Dad saka naglakad papalapit sa amin.


"Puntahan na muna natin si Dad." Nakangiting sabi niya sa akin. At tumango ako.

Takas Series of TreasureWhere stories live. Discover now