Kabanata Labing-isa

66 5 0
                                    


"Bunso!" Tawag sa akin ng kakambal ko. "Akala ko sa bahay ka kakain?" Tanong niya. She stood up and went to the counter. "Ano sa'yo?" Tanong niya sa akin. Kinawayan ako ng mga nasa gilid na table.


"May sopas ba?" Tanong ko.


"Ate, isa pong sopas and rice, patimpla na rin po ng gatas." She said to the cashier. We have this power over tantan's na kung anong gustong kainin, sasabihin lang namin. Nakahanda naman sila. "Upo ka 'ron," sabi niya sa akin. Sinunod ko naman siya at namataan ang iba ko pang mga pinsan.


We're not blood related but we call ourselves cousin or family relative to one another. Pang-ilang generation na kasi ng bawat pamilya namin ang magkakasama simula bata.


"Jude, nakaorder ka na?" Saka ko lang nakita si Tito Jazen na nakaupo sa kabilang table.


"Uh, yes, Tito." Sabi ko at ngumiti. I saw Tita Jem hugging Arlo on the side, asking about something. Nakikipagkwentuhan sila sa mga bunso.


Tinawag man akong bunso ng kakambal ko, siya lang naman natawag sa akin ng gan'on, pero si Toby talaga ang pinakabunso sa lahat. Ang anak ni Tito Baste.


Nagpark lang siya ng sasakyan sa bahay ng magulang niya at susunod daw siya rito. "Ches," Tawag ko sa panganay ni Tito Baste.


Lumingon siya sa akin habang nanguya. Nanlalaki ang mata. "Ihahatid ata ni Tito Baste si Toby kay Tita Ye," I shared. Napalingon sa akin si Tita Jem.


"Baby Toby is here?" Of all Titas that I have, Tita Jem is the one who's very much fond of babies dahil isa siya sa mga nagiging bantay namin noong bata pa kami. "Bi, dapat pala aalagaan ko siya this weekend kaso day off ni Jaha 'yon." She informed her husband.


"Tita, okay lang. Free naman daw si Tita Ye dahil nagresign siya sa research center last week." Sabi ni Cheska. Hinawakan bigla ni Amen ang mukha nito at pinunasan ang bibig dahil sa ketchup. Inabutan siya ni Tito Jazen ng tubig.


"Siguro kapag weekdays na lang, ako na pupunta, susunduin ko si Toto." Sabi ni Tito.


May naglapag ng pagkain ko sa mesa, umupo sa tapat ko si Jam saka ngumiti. "Kumain ka na." Sabi niya sa akin.


"Hello babies!" Rinig kong sabi ni Tito Baste. Agad na tumayo si Cheska at kinuha ang kapatid niya. "... and asungots." Sabi niya kay Tito and Tita. Inirapan niya ang mga ito. Lihim na lamang napangiti ang nasa paligid dahil lagi naman silang ganto, sa isa't isa.


Especially Tita Jem and Tito Baste.


"Saan ang nanay mo?" Tanong niya kay Hanvin, umupo siya sa tabi nito at ginulo ang buhok. "Magkatabi ang magkapatid ah." Asar niya kay Arlo. It was somehow their dark humor, they didn't want to explain anything further but it was obvious, they're step-siblings or something.


Well, it felt like it. "Nasa bahay po." Sabi ni Hanvin.


Takas Series of TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon