KABANATA 24

65 5 0
                                    

LUMIPAS ang mga araw. Kali never left me alone, so much for having space huh? Makikita ko siya sa tapat ng condo, sa opisina, and he's making headlines kagaya na lamang ngayon. Halos magkaroon na 'ko ng migraine nang makita na naman ang balita sa TV, tungkol na naman ito sa amin kung saan ang playboy ng banda ay nakuhaang nasa tapat ng Gallego building at may suot-suot na card na, "Liberty ko, kausapin mo na'ko"

I immediately sighed and turned off the TV. Isa pa! When he realized that his tactics aren't going to work, sobrang aga na niya sa opisina ko! Kasabay na yata niya ang guard na magbukas nuon at talagang nangongonsensya pa ang hudyo at may suot laging iba't-ibang card.

Mas lalong napuno ang hinala ko nang makitang wala na naman siya sa tapat ng condo unit ko. I shrugged that thought away at sumakay na sa sasakyan ko. Pagkarating ko ng GI ay hindi kaagad ako bumaba sa sasakyan, kahit nakaabang na ang valet sa gilid ko. Nangunot ang noo ko nang makita na namang card and this time it says, "Liberty lilibre kitang pagkain, kausapin mo na 'ko. :(("

Pinagpipiyestahan na naman siya ng mga tao duon! I rolled my eyes as the green monster ate me up alive. May card na ngang nakasuot, ang mga babaeng ito! I've never been the jealous type pero totoo nga pala talaga kapag may minahal kang kagaya ni Kali magiging selosa ka, not that it's right but I am rendering myself. Bumaba ako kaagad, at inabot na sa valet ang susi nang hindi ito tinitingnan.

"Kali!" sigaw ko sa kaniya.

He immediately stood up as his eyes lit up. I rolled my eyes, umagang-umaga pa-cute!

"Good morning Liberty ko! Kakausapin mo na 'ko today!?" sigaw niya kasabay ng hiyawan ng mga tao.

Sasagot na sana ako nang biglang may isang malamig na bagay na tumapat sa sentido ko at napaltan ng takot ang reaksyon ng lahat sa sigawan nila but Kali remained rooted, his eyes wide. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ngayon nang mapagtanto kung nasaang sitwasyon ako ngayon.

"J-Justine.." kaagad na naging alerto ang security team ko nang biglang itapat nila ang kanilang mga baril sa amin ni Justine.

Ang kaniyang braso ay kumapit na sa leeg ko at mas dumiin ang kaniyang pagkakatutok ng baril sa aking sentido. Nanghina ang tuhod ko at nanlamig ang kamay ko lalo na nang isa-isang makita ang mga importanteng tao sa buhay ko.

"Kali!" banta ko nang humakbang siya papalapit sa akin. What if he gets shot!?

"Justine.." I soothed his arm, "Wag na tayong umabot sa gan'to.."

"Tangina manahimik ka." banta nito sa'kin at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa aking leeg, blurring my breath away kaya napapikit ako ng mariin.

Sa di kalayuan ay nakita ko si ate Justine at ang aking mga magulang na dala na ang buong security team namin.

"Tangina ang tagal.." he whispered.

Okay Lib.. Calm down. The more you struggle, the more it'll be hard to breath. Pinakalma ko ang sarili ko, marahang hinihigop ang natitirang hangin na kaya kong makuha.

"Mr. Gallego." sa tapat namin ay si Kali na nakataas ang dalawang kamay.

"Kilala ko 'to ah.." Justine chuckled like a maniac, "Yung mayabang na nagpalabas sa'kin sa rythm!"

Fuck. I opened my eyes wide at Kali ngunit hindi siya sa'kin nakatingin kundi sa baril na nakatapat sa aking ulo.

"My people said that you owe a total of 9.6 billion dollars." Kali said, mas lalong humigpit ang kapit ni Justine sa'kin kaya naman duon ay mas naalarma siya. Kali was calm and collected but fear reflected through his orbs like mirror itself. "I'll pay for your debts. In fact, I can write you a check now, pakawalan mo lang siya."

When The Heart Breaks [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ