KABANATA 7

70 5 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit ganoon kabilis ang bawat araw kasama si Kali. It feels like time is on fast forward whenever I'm with him, but every movement, every memory, every flicker of his smile was so warm and vivid. It makes my heart flutter so much. Lahat ng bagay tungkol sa kaniya ay tila isang pamilyar na parte na ng buhay ko.

Sa isang iglap, tapos na kaagad ang isang school year and we're now on our way towards the second. Nakangiti ako habang pinapanood si Kali ngayon sa gig ng cosmic void. Tumakas lang ulit ako but this time it's different because I'm with my ate at alam na niya ang tungkol sa amin ni Kali. I have to go home early, may pasok pa kami bukas and I don't want to be late.

Sinulyapan ko muli si Kali at nang tumama ang kaniyang tingin sa akin ay itinuro ko ang aking relo. "Time na!" I mouthed.

Mula sa pagkakaupo sa may bandang likuran ay binitawan niya ang kaniyang drum sticks at tinapik sa balikat ang pinsa'ng si Clement who nodded slowly. Halos tumalon ang puso ko nang makita siya sa tapat ng mikropono and when he held the mic he smiled sheepishly making my heart flicker a thousand bolts.

"Ako muna.. My girl's about to go home and I can't let this night pass without singing for her." he smiled.

Narinig ko kaagad ang kantyaw ng mga tao at halos mamula ako ng marahan nilang lingunin ang banda namin. Kali rarely sings, he usually stays at the back with his drums but when he takes the microphone ay inaagaw niya ang eksena. The blue and red light was playing around the walls at kumislap ang isang maliit na hikaw sa tainga ni Kali nang tumama ang ilaw roon.

My heart hurt in a good way. Punong-puno ng emosyon na hindi ko naman mabigyang ngalan. Only him can make me feel this foreign yet familiar feeling and it makes me feel good.. Ayokong bitawan 'to, ayokong bitawan ka Kali. Napangiti ako nang biglang tumugtog ang banda, isang pamilyar na kanta. I breathed that nostalgic air as I focused my eyes on him.

"We'll do it all

Everything

On our own.."

Naramdaman ko kaagad ang presensya ng ate sa aking gilid but I couldn't care less, it is only Kali that I see. Marahan kong inilabas ang aking cellphone at pa-simpleng itinapat sa kaniya ito upang kumuha ng video.

"We don't need

Anything

Or anyone.."

"Liberty! Huwag ka na nga'ng kumuha ng video diyan. Focus ka na lang sa moment." inis na inagaw naman ni Ezra ang cellphone kaya nang lingunin ko siya ay siya na ngayon ang may hawak nito, "Ako na! Ako na!"

Nakagat ko ang aking labi ng marahan at ibinalik kay Kali ang tingin na nakatitig parin sa akin ngayon. I felt my stomach churning.

"If I lay here

If I just lay here

Would you lie with me and just forget the world?"

Sa nararamdaman ko para kay Kali, I have no fear. I feel like I would drop everything for him and he would do the same. Ganoon ako kasigurado sa kaniya.

"Anlakas talaga ng tama niyan sa'yo 'no!" halakhak ni Ezra.

"Kasing lakas ng tama ni Santi sa'yo." I chuckled.

Nilingon ko si Santi na nakapulupot na kaagad ang braso kay Ezra habang si Ez naman ay busy sa pagkuha ng video ni Kali.

"Siyempre.. Malakas ang gayuma." sabay pa silang tumawa.

"I don't quite know

How to say

How I feel.."

When The Heart Breaks [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon