CHAPTER 24

322 48 1
                                    

[Gen]

Patuloy naming nilalakbay ang daan sa kagubatan patungong Dragons Altar, araw araw kaming naglalakad at sa gabi ang pahinga namin ni Kian, medyo nasanay narin ako na suot suot palagi ang baluti. Araw at gabi namin itong suot kahit sa pagpapahinga at sa pagtulog ay suot parin namin ito kaya nasasanay na ako.

Nakakatagal narin ako ngayon at paminsan minsan nalang madapa, kaya ko na ngang tumakbo pero hindi ko palaging ginagawa dahil nakakaubos i'yon ng lakas.

Kakalabas lang namin galing sa isang bayan at umaga palang ay heto na kami at naglalakad na sa gitna ng kagubatan, isang linggo narin ang nakalipas simula noong naglakbay kami mula sa Great Dragon Lands patungong Dragons Altar.

Ang sabi ni guro ay malapit na raw kami sa Dragons Altar pero sa tingin ko ay niloloko lamang kami ni guro, halos pangsampung beses na niyang sinabi na malapit na kami pero magpahanggang ngayon ay hindi parin kami nakakarating sa papupuntahan namin.

Mabuti nalang talaga at may mga bayan kaming nadadaanan kaya't nakakapagpahinga rin kami ng maayos ni Kian, nakakatulog rin kami sa mga malalambot na kama habang suot suot parin namin ang mabigat na baluti.

Si Kian naman, nag-iba narin ang pisikal na lakas niya ngayon. Ang noo'y palaging nadadapa ay paminsan minsan nalang ngayon, nakakatagal narin siya at halos nakakasabay na saakin. Kahit na palagi siyang nagrereklamo ay ginagawa naman niya ang lahat ng kanyang makakaya. Kung titingnan ay parang hindi na siya ang dating Kian, payat siya noon pero ngayon ay nagkakaroon na si Kian ng malaki laking braso at kung titingnan ay parang hindi na siya isang Assassin.

Lumipas ang mga oras at wala parin kaming tigil sa paglalakbay, paminsan minsan ay may mga nakakasalubong kaming mga tao at nagtataka naman sila sa ikinikilos namin ni Kian. Mabagal kasi ang bawat hakbang namin kumpara sa mga hakbang nila, nasa likod naman palagi namin si guro at binabantayan kami sa mga mababangis na Magical Beast.

Hapon na noong makalabas kami ng kagubatan at sa unahan ng kagubatan ay isang malawak na karagatan.

"Hanggang dito nalang tayo at bukas nalang natin ipagpapatuloy ang paglalakbay." Dahil sa sinabi ni guro ay agad na akong humiga sa damuhan at hinayaang makapagpahinga ang aking katawan. Halos hindi na kami nakakapagpahinga at tanging sa tanghali lang kami nakapagpahinga kanina.

Tanghali at gabi ay kumakain na kami ni Kian dahil sa nakakaramdam kami ng matinding gutom, hindi ko naman alam kung ano ang dahilan pero isa lang ang pinagdududahan ko. Isa na akong Level 8 Fighter at hindi na dapat ako nakakaramdam ng gutom sa loob ng ilang buwan, pero dahil siguro sa baluting suot suot namin at palagi kaming pagod kaya nakakaramdam na kami ng gutom.

"Pwede na ba naming tanggalin ang mga baluting ito, guro?." Tanong ni Kian. Kahit naman ako ay gusto ko ng tanggalin ang baluting ito dahil sa sobrang bigat talaga nito at isa pa, ilang araw narin namin itong suot suot at kahit sa pagtulog ay suot parin namin ito.

"Hanggat hindi tayo nakakarating sa Dragons Altar ay hindi niyo tatanggalin yan." Matigas na saad ni guro. Mukhang wala na talaga kaming magagawa nito.

Sa loob kami ng kagubatan nagpahinga, gumawa rin si guro ng apoy upang aming maging ilaw. Nag-ihaw rin kami ni Kian ng sampung Red Magiboar upang maging hapunan namin, hindi naman kami nag-aalala kung may mga Magical Beast na susugod saamin dahil nandiyan naman si guro at siya ang taga bantay namin ni Kian.

"Sa tingin mo, malapit na kaya tayo sa Dragons Altar?." Pagtatanong ko kay Kian.

"Hindi ko alam. Sumakay kasi kami noon ng Blazerunner papuntang Cadia Riverlands at hindi ko alam kung nasaan na tayo ngayon." Sagot naman ni Kian habang patuloy paring pinaikot-ikot ang mga inihaw namin.

Dragon Spear [Fighter-Series 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon